Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/12/2019

372
Related Posts
Piolo Pascual
Kaarawan:
Enero 12, 1977
Malimit na mapagkamalan na walang pakialam, ­manhid  at hindi marunong magmahal dahil sa pagi­ging masikreto nila lalo na sa usapin tungkol sa puso. Pero sa ­katotohanan, sila ay isang taong tunay na mapagmahal at maasikaso.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang kaibigan o kapamilya ang may kakaibang ikini­kilos. Marahil ay may lihim siyang galit sa iyo. Kung hindi man ay may isyu ito na kailangang ­tugunan. May biglaang date. Sumama kung ­walang ibang gagawin. Lucky color: Maroon, lucky number: 34.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Sasakit ang mga mata sa sobrang pagbabasa. May masama ring epekto ang stress. Hindi makapag-­focus  pero panandalian lang ito. Babalik ang normal na ­pakiramdam kinabukasan. Lucky color: Yellow, lucky number: 12.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Marami ang gumugulo sa isip kung saan mapapaginipan mo pa ang mga ito. Mahirap maipaliwanag ang pinagmulan ng isyu. I-check ang mga detalye at ikaw na ang humusga sa mga dapat gawin. Lucky color: Gray, lucky number: 22.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magkaka­problema sa schedule. May hindi madadaluhan na imbitasyon. Walang makausap sa bahay. May isang kasamahan na kailangang kausapin para mawala ang tensyon sa trabaho. Lucky color: Yellow, lucky number: 4.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May delay sa pagdating ng hinihintay na dokumento. Huwag na itong gawing isyu. Unawain na lang ang taong nagkulang dahil walang tao na perpekto. Lucky color: Brown, lucky number: 20.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kung may duda sa dumating na pera, mas ma­buting i-check ang pinagmulan nito bago tanggapin. May mga bagay na hindi sinasabi sa iyo. Maging ma­ingat sa bago lang nakilala. Lucky color: Red, lucky number: 8.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – ­Basahin muna ang anumang dokumento bago pirmahan. Gamitin ang intuition. Oras na para panindigan ang desisyon. Ikaw lang ang makakalutas sa problema ng pamilya. Lucky color: Violet, lucky number: 45.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mara­ming matatanggap na mensahe sa mga kaibigan at pamilya. May sinasabi sila subalit iba naman ang ginagawa. May mga bagong negosyo sa paligid. Tignan ang maraming posibilidad. Lucky color: Green, lucky number: 15.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hindi mapakali dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa pananalapi. Malaki ang epekto sa iyo ng mga balita. Mas mabuting huwag munang magbasa o makinig ng balita. Alamin muna ang totoo bago mag-panic. Lucky color: Orange, lucky number: 21.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mag-aalala dahil sa sitwasyon sa trabaho. Ma­raming tanong tungkol sa future na mahirap sagutin. Hindi ito ang tamang oras para gumawa ng malaking desisyon. Ilista ang mga opsyon para mapag-aralang mabuti. Lucky color: Orange, lucky number: 46.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ikaw ay isang tao na naniniwala sa katwiran. ­Huwag itong hayaang masira dahil lang sa kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Mas mabuting mana­himik sandali at magmuni-muni. Lucky color:  White, lucky number: 33.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Malakas ang duda sa isang kaibigan na ayaw makipag-­usap sa iyo. Mas mabuting lapitan ito at kausa­pin. I-­enjoy ang magandang tanawin. Mas kaila­ngan mo ngayon ng katahimikan kaysa kausap. Lucky color: Black, lucky number: 42.