Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/13/2019

0 291

Orlando Bloom
Kaarawan: Enero 13, 1977

Hangad ng mga la­laking Capricorn na magkaroon ng relasyon na pangmatagalan. Handa niyang harapin ang mga pagsubok ma­hanap lang ang taong tunay na magmamahal sa kanya. Isang obligasyon ang pagkakaroon ng commitment na kailangang seryosohin.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hindi maiiwasan ngayon ang problema sa komunikasyon. May mensahe na kailangan mong maintindihan kahit na walang nagsasalita. Talasan ang pakiramdam lalo na sa isang tao na malapit sa iyong puso. Lucky color: Red, lucky number: 7.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi lahat ay kumikilala sa ibinigay mong effort. ‘Wag panghinaan ng loob, darating ang tamang araw at pagkakataon. Huwag na rin masyadong mag-expect dahil kusang ­darating ang hinihintay. Lucky color: Silver, lucky number: 33.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Tanggapin na kailangan mo pa rin ang tulong ng ibang tao. Huwag solohin ang problema. Kalimutan muna ang pride. Mas madaling malulutas ang lahat kapag tulong-tulong. Lucky color: Silver, lucky number : 45.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isang sitwasyon ang biglang magpapabago sa iyong isipan. Manatiling kalmado at ‘wag munang magpakita ng matinding emosyon. Ikaw din ang mahihirapan kung mauunahan ka ng nerbyos. Lucky color: Brown, lucky number: 30.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi puwedeng pilitin ang pagmamahal, kailangang galing ito sa puso. Tanggapin ang naging kapalaran. May hangganan ang lahat pero sa bawat simula ay may bagong pag-asa. Lucky color: White, lucky number: 15.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ‘Wag painitin ang isang sitwasyon. Mas mabuting itikom muna ang bibig para walang masabi na hindi maganda. Lawakan pa ang pang-unawa at piliing umiwas sa anumang tensyon. Lucky color: Pink, lucky number: 30.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May mga bagay na mahirap ipaliwanag. Kung ang nangyayari ay nagbibigay naman sa iyo ng aral, ‘wag na muna itong kuwestyunin. Darating ang takdang panahon para maliwanagan ang lahat. Lucky color: Yellow, lucky number: 10.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Anuman ang nagtutulak sa iyo, hindi ito ang pagkakataon para subukan ang sarili. Makakaya mong lagpasan ang mga pagsubok. ­Huwag lang panghinaan ng loob. Tatagan ang dibdib at paniniwala. Lucky ­color: Orange, lucky number: 49.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Maaari kang malagay sa isang kompromiso kung hindi mag-iingat. Humingi ng tulong kung kinakailangan. Timbangin ang kapakanan ng sariling pamilya. Lucky color: Yellow, lucky number: 56.

CAPRICORN (Disyembre 22-­Enero 19) – ‘Wag nang ipagpabukas ang puwedeng gawin ngayon. Mas magaan sa kalooban kung masaya sa ginagawa. Magpasalamat sa taong nakatulong sa iyong problema. Gawin na ito habang maaga. Lucky color: Violet, lucky number: 3.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang inaakala mong imposibleng gawin ay makakayanan mo. ­Dahil ito sa iyong pagsisikap. Mara­ming darating na biyaya sa taong masipag at matiisin. Lucky color: Silver, lucky number: 26.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May ilang hindi pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng iyong partner. Magkakasalungat ang inyong mga ideya. Kung walang magpapakumbaba, maaaring tumagal ang sigalot. Dumistansya muna at palipasin ang tampuhan. Lucky color: Red, lucky number: 18.