Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/13/2020

404

LIAM HEMSWORTH

Kaarawan:
Enero 13, 1990

Matalas ang isipan. Hindi matatawaran ang talento. Ang pagiging masigasig niya sa bawat larangang pasukin ang siyang humahatak sa kanya patungo sa ­kanyang tagumpay. Pag-ibig ang kanyang kahinaan at hindi niya ito ­ikinakaila.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Masigasig mong haharapin ngayon ang mga paghamon sa buhay. Malakas ang loob mo dahil may mga tao sa likod mo ang nagtutulak sa ‘yo para maging matatag. Lakasan angloob para makaraos sa mga pagsubok. Lucky color: Pink, lucky number:19.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magkakatotoo ang kutob mo sa iyong karelasyon. ­Ngayon mo mapapatunayan na hindi pa lubos ang katapatan niya sa ‘yo. Malaki pa ang posibilidad na maaakit siya sa iba. Walang dapat sisihin kundi ang pagkakataon. Lucky color: Beige, lucky number: 16.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 20) – Hindi mo magugustuhan ang pagi­ging mailap sa ‘yo ng isang tao kaya mas mabuting kausapin na ito nang sari­linan. Ikagugulat mo ang tunay na dahilan nito. Lucky color: Red, lucky number: 40.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ­Magiging masaya ang pakikipag-bonding ngayon sa pamil­ya. Walang pagsidlan ang saya sa panunumbalik ng dating sigla ng ­samahan. Magpasalamat sa magandang pagkakataon. Lucky color: Gray, lucky ­number: 13.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – May magagawa ka para pag-a­yusin ang dalawang tao na may alitan. Pareho silang malapit sa puso mo kaya hindi mo gusto ang nangyayari sa kanila ngayon. Malaki ang maitutulong ng kaibigan na pinagkakatiwalaan. Lucky color: Brown, lucky number:25.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 22) – Mailap ngayon ang suwerte mo sa trabaho. Pero hindi ito ­dahilan para tumigil ka. Tuloy lang pagsisikap. Magugulat ka sa biglang pagbabago ng isang tao na nagging malapit uli sa iyo. Lucky color: Yellow, lucky number:52.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kausapin ang taong nagbibigay sa iyo ng mga sleepless night. Kailangan nang matapos ang pag-aalala at agam-agam. Kalmahin ang sarili para sa iyong kapa­natagan. Lucky co­lor: Gray, lucky ­number: 17.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Makakaramdam ka ng pagtatampo sa isang ­taong malapit sa ‘yo dahil hindi niya mapagbibigyan ang pabor na hinihingi mo. Maiisip mong ­dumistansya muna sa kanya pansa­mantala pero hindi mo rin siya matitiis. Lucky color: Peach, lucky number: 18.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Di­syembre 21) – ­Malalagay ka lang sa alanganin kung ipipilit mo ang kagustuhan mo. Majority ang dapat na masunod sa isang pagpapasya. Hindi ubra na ikaw ang ­masunod ­dahil tauhan ka lang. Lucky color: Orange, lucky ­number: 7.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang mabilisang pagpapasya ang gagawin mo ngayon. Ito ay sa ­pakiusap ng isang kamag-anak. Kailangan niya ang iyong ­tulong at hindi mo ito ipagkakait sa kanya. ­Ihanda ang sarili sa malaking ­desisyon. Lucky color: ­Maroon, lucky number: 14.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mapagkakamalan mong isang kaibigan ang isang tao na may lihim na inggit sa ‘yo. Ang pagiging malapit niya sa ‘yo ay may hindi magandang intension. Magign ­aisto lalo na sa iyong paligid. Lucky color: White, lucky number:55.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – ­Hindi ito ang araw ng pagbabandying-bandying. Mauubusan ka ng oras kung hindi ka kikilos. Kailangan mong pasiglahin ang iyong ­katawan para sa produktibong araw. Lucky color: Blue, lucky number: 7.