Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/14/2020

328

Jason Abalos
Kaarawan: January 14, 1985

Hirap ang iba na maunawaan ang kanilang personali­dad. Matigas magsa­lita pero mararamdamam mo ang kanilang pagiging extra sweet lalo na kung pamilya ang pag-uusapan.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero19) – ‘Wag sayangin ang oras sa takot na walang basehan. Magkaroon ng positibong attitude sa pagharap sa malalaking hamon ng buhay, malalagpasan ito kung magiging kumpiyansa sa iyong kakayahan. Lucky color: Orange, lucky number: 30.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maaaring nakakaramdam ka ng pagkainis o pagkairita sa isang partikular na indibidwal. Ngunit sa araw na ito, kailangan mong ibigay ang iyong kooperasyon sa kanya. Kakailanganin mo ang kanyang tulong kaya’t magpasensya muna. Lucky color: White, lucky number: 45.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May ilang oportunidad para makipagsaya kasama ang mga mahal mo sa buhay. Ilang bagong karakter ang papasok sa buhay mo. Marami silang bubuksang oportunidad para sa iyong pla­nong negosoyo. Lucky color; Maroon, lucky number: 40.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hindi mo kailangang hingin ang permiso ng iba para gumawa ng isang pagbabago sa iyong buhay. Kung talagang pursigido, ay gawin na ito sa lalong madaling panahon. Lucky color: Maroon, lucky number: 8.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mataas ang iyong kumpiyansa ngayon at lahat ay kaya mong gawin kung determinado ka. Sundin ang instinct mo at hindi ka magkakamali. Kalimutan muna ang inaakala mong limitasyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 6.

Related Posts

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Iwasang magbitaw ng salita na baka pagsisihan mo sa huli. Lawakan ang pang-unawa dahil ito ang kailangan mo sa ngayon. ‘Wag mahiyang sagutin ng totoo ang isang tanong tungkol sa iyo. Lucky color; Blue, lucky number: 11.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Pinapaboran ang pakikisalamuha sa iba’t ibang tao. Ibigay ang iyong kooperasyon dahil importante ngayon ang team work. Mas marami ang mai-impress sa iyong diskarte sa trabaho. Lucky color: Violet, lucky number: 27.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ngayon ang araw para patunayan na totoo ang sinasabing sa taong minamahal. ‘Wag mangamba dahil sapat na ang nailatag mong paghahanda. Ito ang pagkakataon mo para umaksyon at makuha ang paghanga ng mga taong importante sa iyo. Lucky color: Gray , lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ang mga pangyayari ay nakikiayon sa iyong mga plano. Abot-kamay na ang tagumpay. Magtiwala sa sarili tulad ng pagtitiwala sa iyo ng mga taong nasa paligid mo. Lucky color: Brown, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi mo dapat gawin ang isang bagay kung hindi ka komportable. Kung patuloy kang magpapadikta, baka pagsisihan mo ito. Magpaka­totoo sa sariling pangangailangan. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 8.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Harapin ang katotohanan tungkol sa iyong sarili. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang nasa tama at laging mali ang mga kaharap mo. Sa pagkakataong ito, kailangan mo munang makiayon sa desisyon ng iba dahil sila ang tama. Lucky color: Gold, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Pag-isipan kung paano mo kahaharapin ang iyong problema. May responsibi­lidad na kailangang tuparin. Kailangang may sistema ka para hindi ka masyadong ma-harass sa dami ng obligasyon. Lucky color: White, lucky number: 33.