Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/15/2018

507

ARIES (March 21-April 19) – Tinatamad ang pakiramdam at parang walang gana. Iwanan na ang comfort zone at sumubok ng bagong pagkakaabalahan sa buhay. Maki-bonding sa mga kaibigan. Lucky ­color: Gray, lucky number: 12.

TAURUS (April 20-May 20) – May biyahe sa isang lugar na may importansya sa buhay. I-enjoy ang oras at makihalubilo sa miyembro ng pamil­ya. Maging mabait at mapagpasensya. Lucky color: Blue, lucky number: 9.

GEMINI (May 21-June 20) – Maraming challenges at pagsubok na darating. Iwasang mag-init ng ulo. Ngayon ang tamang oras para pairalin ang balance sa lahat ng bagay para hindi mabigo. Lucky color: Red, lucky ­number: 23.

CANCER (June 21-July 22) – Sumama sa short trip kasama ng pamilya. May kakaibang appeal ang outdoor activities kaya samantalahin ang pagkakataon. Kalimutan muna ang trabaho at mag-enjoy lang. Lucky color: White, lucky number: 32.

LEO (July 23-August 22) – Nasa iyo ang suporta ng buong pamilya. Makinig sa kanilang payo na para sa kabutihan mo. Mag-ingat sa pagbibitaw ng salita na baka hindi mo mapanindigan. Lucky color: Violet, lucky number: 11.

VIRGO (August 23-September 22) – Humanap ng oras para makasama ang pamilya. May isang tao na mada­ling makakagaangan ng loob. Pahalagahan ang quality time. Tapusin sa itinakdang deadline ang trabaho. Lucky color: Gold, lucky number: 5.

LIBRA (September 23-October 22) – Ibalik ang dating sigla. Mag-focus sa mga importanteng bagay. Magbukas ng libro at magbasa-basa. Iwas-stress kapag hinay-hinay lang sa mga gawain. Lucky color: White, lucky number: 40.

SCORPIO (October 23-November 21) – Payapain ang isip. Walang dapat ipag-alala dahil kontrolado at malu­lutas din ang problema. Kung talagang naguguluhan, daanin ito sa spiritual intervention. Lucky color: ­Orange, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Nasa good mood. Matutupad ang matagal nang ambisyon. Maging agresibo sa desisyon kung ito ang hinihingi ng pagkaka­taon. Ipursige ang tama at dapat. Lucky color: Blue, lucky number: 50.

CAPRICORN (December 22-January 19) – May darating na pagsubok sa career. Maiipit sa isang mahirap na sitwasyon. Idaan sa diplomasya para makawala. Ipaliwanag ng mabuti ang sarili para malinis ang pangalan. Lucky color: White, lucky number: 2.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Tuparin ang isang pangako. Marami ang nakatingin kaya’t kaunting ingat sa kilos at salita. May kasamahan na lalapit at hihingi ng tawad sa nagawang kasalanan na hindi mo alam. Lucky color: Pink, lucky number: 28.

PISCES (February 19-March 20) – Sa iyo papabor sa isang malaking desisyon. Babalik sa normal ang buhay. Mag-move on na mentally at emotionally. Maraming papuri na matatanggap sa nalagpasang kabanata sa buhay-pag-ibig. Lucky color: Maroon, lucky number: 10.