Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/16/2020

426

Sheena Halili
Kaarawan: Enero 16, 1987

Praktikal kung mag-isip ang mga Ca­pricorn. Kung ano ang nakalatag ay siya nitong tintignan. Hindi sila mahilig sa day ­dreaming dahil para sakanila mas importante ang aktwal kaysa sa pantasya.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kailangan mo pang makipaglaban para ­mapansin ngayon. Nag-eenjoy ka naman sa bawat hamon na kinakaharap dahil lalo itong nagpapalutang sa iyong galing. May biyayang pinansyal na ­parating. ‘Wag kalimutang mag-treat. Lucky color: Pink, lucky number: 12.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Gawin ang anumang gustong gawin at ‘wag ­magpadikta sa mga tao na may ibang gustong ­ipagawa sa iyo. Hindi mo kailangang ­magpaliwanag. Matatanggap din ng lahat ang iyong pasya. Lucky color: Gold, lucky number: 25.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung ­dati-rati ay ikaw ang buhay ng isang party, ngayon ay mas gusto mong mapag-isa sa bahay. Bagama’t hindi sang-ayon ang lahat sa iyong pananahimik, kailangang panindigan ang iyong kagustuhan ­Lilipas din ito. Lucky color: Gray, lucky number: 5.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May ­pagkakataong hindi ka makukumpleto ang isang trabaho kung walang tutulong sa iyo. Hindi ito nangangahulugang hindi ka magaling kaya ‘wag nang pairalin ang pride. Sabihin lang na totoong hirap ka pang mag-adjust. Lucky color: White, lucky number: 4.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung susu­bukan mo lamang makipagkaibigan sa isang taong itinuturing na karibal, makikita mong wala talaga kayong dapat pag-awayan. Sa pagkakataong ito, masasabing opposites attract. Lucky color: Yellow, lucky number: 23.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – ‘Wag masyadong maging balat-sibuyas lalo na sa mga komentong mula sa iyong mga pamilya at ­kaibigan. Tiyaking alam mo ang buong kuwento bago magdrama. Lucky color: Orange, lucky number: 50.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ­Sinumang magtatangkang magsamantala sa iyong ­pananahimik ay posibleng makabangga. Maigsi ­lamang ang pasensya mo ngayong araw na ito kaya makabubuting tumabi-tabi muna ang mga pasaway. Lucky color: Maroon, lucky number: 45.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Bigyan ang iyong sarili ng sapat na oras para tapusin ang ilang naumpisahan. Pagkakataon mo na ngayon para makapagpokus. Marami nang trabagong naghihintay sa iyo. Lucky color: Gray, lucky number: 47.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ­Anuman ang iyong pinagkakaabalahan ay magdududlot sa iyo ng kasiyahan. Kung wala ­kahit katiting na sigla sa puso mo, pag-isipan kung ­dapat ka pang magpatuloy o dapat nang magpatupad ng pagbabago ngayong bagong taon. Lucky color: ­Silver, lucky number: 45.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ngayon ang magandang pagkakataon para isipin kung ano ang dapat mong baguhin para sa iyong mga future goal. Habang tumataas ang ­ambisyon, kailangan din ng mga kaukulang adjustments. ­Basawan ang sobrang inggit sa kapwa. Lucky color: Violet, lucky number 22.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Masyado mong pinu-push ang sarili mo kaya naman dapat samantalahin ang araw na ito para makabawi ng lakas. Tiyaking makakapagrelaks ka at iwasang gumawa ng anumang hindi tama. Lucky color: Pink, lucky number: 34.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Burahin na anumang isyung ilang araw nang bumabagabag sa iyo. Panatilihin ang ­kumpiyansa sa sarili. Walang negatibong epekto ang ginawa mo sa mga nagdaan Ituloy lang ang ­pagiging focus. Lucky color: Gray, lucky number: 30.