Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/17/2020

581

Michelle Obama
Kaarawan: Enero 17,1964

May malawak na kaisipan sa mara­ming bagay. Ayaw niya ng routine, sa halip mas guto niya ang adventure sa ­labas ng bahay. ­Hindi niya palalampasin ang anumang pagkakamali na nangyayari sa kanyang paligid.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ang mga itinutulong mo sa ibang taong mas nangangailangan ay dobleng ibinabalik sa iyo ng universe. Sa trabaho, sikaping mabigyan pa rin ng pahinga ang isip at katawan ‘pag may pagkaka­taon. ‘Wag akuin ang ­lahat ng gawain. Lucky color: Red, lucky number: 33.

AQUARIUS (­Enero 20-Pebrero 18) – Mataas man ang iyong energy ay may hindi magaga­wang trabaho. ­Masyadong mataas ang iyong expectation at hindi ka si superman o wonder woman para magawa ang imposible. Lucky co­lor: Pink, lucky number: 3.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Lahat ay gagawin mo para sa iyong pamilya at mahal sa buhay. Mataas ang energy level mo para sa kanila. Ngayong araw na ito, magiging second priority mo lamang ang ibang aspeto ng buhay. Lucky color: Green, lucky number: 9.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang iyong atensyon ay masesentro tungkol sa pera. Bawat pisong ginagastos ay mahalaga. Ang pagtitipid ay ­nag-uumpisa sa pamilya kaya ipaliwanag sa kanila ang iyong mga plano para sa hina­harap. Lucky color: White, lucky number: 25.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Parang ­kaaway mo na ang ­buong mundo sa iyong nararamdaman. Pero ­ngayon ay nag-uumpisa nang ­maging maaliwalas ang paligid. Magtiwala sa sa­rili dahil kakayanin mo ang lahat kahit mag-isa ka lamang. Lucky color: Green, lucky number: 17.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May pagdududang maaaring maging sentro ng iyong takot. Pero sa mga susunod na araw, mapapatunayan mo rin na wala itong dahilan at wala ring sapat na basehan. Lucky color: Violet, lucky ­number: 45.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ­Umiwas sa mga tisismis. Ang kanilang ­negatibong vibes ay ­maaaring ­makadiskaril sa iyong mga plano. ­Mag-stay ka lamang muna sa piling ng mga positibong tao na huhugutan mo ng ispirasyon. Lucky ­co­lor: ­Maroon, lucky number: 34.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kakailanganin mong ipaglaban ang iyong karapatan. Mahirap at maraming oposisyon pero magagawa mo itong lagpasan. Kapag nakuha na ang panalo, iwasan ding maging benggador. Lucky color: Violet, lucky number: 40

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Anumang naging isyu tungkol sa pananalapi ay magiging maayos. May panahon ka na at may perang magagamit para pag-ukulan ng pansin ang mga plano mo ­kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya. Lucky color: Silver, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – ‘Wag mong sabay-sabayin lahat ng trabaho. Mag-chill dahil matatapos mo rin ang mga ito. Unahin ang mga prayoridad. Lucky color: Brown, lucky number: 2.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kung may pagkakataon at may ­kakayahan ka para magbiyahe, gawin ito. Harapin ang mga kinakailangang ­plano at ‘wag makinig sa mga kumokontra sa pali­gid. Alalahaning ikaw ­lamang ang dapat may hawak sa kontrol ng buhay mo. Lucky color: Gold, lucky number: 41

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Di­syembre 21) – Kailangan mo munang maki­pagkompromiso. Anumang ­pakikipagtalo para igiit ang gusto mo ay hindi magbibigay ng positibong resulta. Sa halip, bagong kaaway ­lamang ang ­puwede mong makuha. Lucky color: ­Yellow, lucky number: 33.