Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/18/19

430

Dave ‘Batista’ Bautista
Kaarawan:
Enero 18, 1969
Mahirap makuha ang atensyon at puso ng mga Capricorn subali’t kapag na­alis na ang pader na ­harang, malulunod ka sa atensyon na kaya nilang ibigay sa iyo. Pangmatagalan ang kanilang pagmamahal at committed sila sa kanilang relas­yon.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mauubos ang oras sa maraming aktibidad at lakad. Makaka­kilala ng maraming tao. Kilalaning mabuti ang ­karakter ng mga bagong kaibigan. Maraming ­topic na pag-uusapan na dagdag sa iyong kaalaman. Lucky color: Orange, lucky number: 50.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maraming gagawing pagsusulat. Matutuwa dahil ito ang ­talagang gustong gawin. May mga tawag na mula sa ibang lugar. Huwag lang pagurin ang sarili para hindi magkasakit. Lucky color: Yellow, lucky number: 41.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kung plano mong ituloy ang biyahe, maghanda na nga­yon pa lang. Malakas ang sense of adventure. ­Huwag magpaapekto sa mga balakid na humaharang mga mga gustong gawin. Lucky color: Gray, lucky number: 18.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ­Ayusin ang mga dokumento tungkol sa pera. May dadalaw na maghahatid ng magandang balita at impormasyon. Magbubukas ang pintuan ng bagong adventure sa iyong buhay. Gamitin ito sa iyong advantage. Lucky color: ­Maroon, lucky number: 53.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – ­Mahaba ang oras ng pakikipag-usap sa tele­pono. Pag-usapan ang gagawing pagtulong sa ibang tao. Lumabas ng bahay at magpahangin. Kailangan mo ng dagdag na energy para makapagtrabaho. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May mga bagong oportunidad na dara­ting. May kasamahan na may dalang good news. Huwag magpadala sa matinding emosyon. Mag-explore. Walang permanente sa mundo kaya’t umasa nang todo. Lucky color: Red, lucky number: 17.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May isang tao na masarap kausap. Posibleng maging simula ito ng magandang partnership. Magiging super busy ­dahil sa lumalaking responsibilidad. Magpasalamat na lang kaysa magreklamo. Lucky color: Green, lucky number: 2.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Matalas ang isip at pakiramdam. Lahat ng hawakan ay may kakambal na suwerte. Hanapin ang mga dating kaibigan na malaki ang maitutulong sa bagong project. Lucky color: Blue, lucky number: 53.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Asahan ang mara­ming trabaho at gagawin. Dalawin ang kaanak na may sakit. Siguraduhin na madadalaw ito sa lalong madaling panahon. Lucky color: White, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-­Enero 19) – Itodo ang oras sa project para sa magandang resulta. Piliting ipaunawa sa minamahal ang gustong sabihin. Panindigan ang opinyon at sa bandang huli ay matatanggap din niya kung bakit kailangan mo itong ipaglaban. Lucky color: Yellow, lucky number: 23.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mag-ingat sa pekeng kaibigan na malakas ang dating. May iba itong intensyon kaya’t doblehin ang pag-iingat. Kilatisin muna siyang mabuti para wala kang pagsisihan. Lucky color: Brown, lucky number: 45.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi mo kailangang sisihin ang sarili kung pumalpak ka sa unang attempt. Marami pang tsansa kaya’t huwag munang mawalan ng pag-asa. May isang taong ­magiliw na kagagaangan agad ng loob. Lucky color: White, lucky number: 34.