Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/18/2020

431

Kevin Costner
Kaarawan: Enero 18, 1955

May isang salita. Hindi siya ang klase na paligoy-ligoy magsalita. Maasahan sa anumang oras mo siyang kailanganin dahil isa siyang tunay na kaibigan

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Kailangan mong planu­hing mabuti ang binabalak mong pagnenegosyo. Hindi ito isang laro na puwede mong ayawan kapag nagsawa ka na. Gugugol ka rito ng panahon at pera na hindi mo gugustuhing masa­yang. Lucky color: Blue, lucky number: 21.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magandang araw ito para sa isang paglalakbay. Maganda ang paligid at maganda ang kondisyon ng iyong katawan. Kailangan mo lang mag-ingat dahil hindi pa rin maiiwasan na may mga taong hindi maganda ang pag-uugali sa daan. Lucky color: Orange, lucky number: 56.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magkakaroon ka ngayon ng isang bagong kakilala. Siya ang makakatulong sa’yo para mahanap mo ang isang tao na matagal mo ng gustong makita. Ikasisiya mo ito. Lucky color: Maroon, lucky number: 10.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Sa pagkakataong ito ay iisipin mo ang kapakanan ng iyong pa­milya. Maraming beses mo nang inuna ang iyong trabaho at ibang tao. Ngayon ay kailangan mo namang ibigay ang atensyon at simpatya na para sa kanila. Lucky color: Old Rose, lucky number: 28.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – May pagbabagong magaganap sa iyong trabaho. Sa pagbabagong ito ay isa ka sa mga maaapektuhan kaya ihanda mo na ang iyong sa­rili. Mas marami naman ang kakampi mo kaysa kaaway kaya ku­malma ka lang sa pagbabagong ito. Lucky co­lor: Red, lucky number: 57.

Related Posts

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magiging masaya ang buong araw mo ngayon sa trabaho dahil sa mga tao sa paligid mo. Sila ang iyong mga kasamahan na palaging nagpapangiti sa’yo sa kabila ng mga hirap n’yo sa trabaho. Kaya naman hanggang sa pag-uwi ay masaya ka. Lucky color: Yellow, lucky number: 35.

CANCER (Hunyo 21- Hulyo 22) – Hindi ka mapapakali dahil sa pagkakamaling nagawa mo sa isang tao. Bagama’t hindi mo ito sinasadya ay kailangan mo pa rin itong ayusin bago pa man lumala. Hindi masama kung gagawin ang pagpapakumbaba. Lucky color: Purple, lucky number: 1.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Pag-iisipan mo na pagbigyan ang hinihinging pabor ng isang kamag-anak. May advantage at disadvantage kang mapapala mula rito pero kailangan mo munang timbangin ang higit na makakabuti para sa’yo. Lucky color: Blue, lucky number: 44.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 22) – Magagamit mo ngayon ang talento mo sa pagluluto para pasayahin ang isang tao. Malapit sa puso mo ang taong ito kahit pa wala kayong relasyon na tulad ng hinala ng iba. Sadyang malapit lang kayo sa isa’t isa. Lucky color: Orange, lucky number: 23.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Huwag kang masyadong umasa sa mabulaklak na dila ng ka-chat mo sa Facebook. Hindi lahat ng sinasabi niya ay totoo. Bago ka ma-fall ay mag-imbestiga ka muna sa labas ng social media. Huwag kang magpadalos-dalos. Lucky color: Black, lucky number: 6.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mabibigla ka sa magiging desisyon ng nakatataas sa trabaho. Ang pagpanig nila sa isang bagong empleyado laban sa’yo ay hindi mo magugustuhan. Kaya naman maiisip mo ang mag-resign pero mare-realize mo rin na hindi ka dapat umatras sa laban. Lucky color: Black, lucky number 2.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Lihim mong hahangaan ang isang tao na magpapakita sa’yo ng kabai­tan at pagmamalasakit. Dahil dito ay magkakaroon ka ng interes sa kanya at sisi­mulan mong ii-stalk ang kanyang mga account sa social media. Lucky color: Pink, lucky number: 14.