Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/19/2020

307

Arthur Solinap
Kaarawan:
Enero 19, 1980

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Hindi mo kailangan ngayon ng dagdag na obligasyon at responsibilidad. Marami ka nang nagawa kaya’t wala nang dapat patunayan. Magtiwala sa abilidad dahil hindi ka nito ipapahamak. Lucky color: Green, lucky number: 49.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas in demand ka ngayon at marami ang ngangailangan ng iyong atensyon. Pero hindi lahat ay kaya mong pagbigyan. ‘Wag pilitin ang hindi mo kaya. Lumugar sa tama para hindi masabihang epal. Lucky color: Blue, lucky number: 30.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi lahat ng tao sa paligid mo ay may abilidad na tulad mo. ‘Wag masyadong madismaya kung hindi natuloy ang mga balak. Marami pang darating na pagkakataon. Lucky color: Gold, lucky number: 50.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – ‘Wag ma-guilty kung sa iyo napunta ang mga proyekto na dapat ay para sa iba. Bunga ito ng iyong pagsisikap. Meron talagang nananalo at merong natatalo. Ang importante ay marunong kang magpakumbaba. Lucky color: Maroon, lucky number: 40.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Puwede kang magdalawang-isip sa isang malaking plano mo para sa hinaharap. Dapat laging may tamang duda para hindi maloko. Iwasang magpatalo sa takot dahil ito ang unang pipigil sa iyo. Dagdagan ang kumpiyansa sa sarili. Lucky color: Green, lucky number: 11

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ito na ang oras para mag-shine at patunayan sa iba na karapat-dapat ka sa mga benepisyong natatanggap mo. Hindi rin masamang magdagdag ng effort para madagdagan pa ang iyong kaalaman. Maging generous sa mga nakatulong sa iyo. Lucky color; Orange, lucky number: 4.

Related Posts

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Madali lamang para sa iyo na tumanggi sa mga taong humihingi sa iyo ng pabor. Pero pag-aralan din ang kanilang sitwasyon dahil posibleng ikaw lamang duda sa totoo nilang pakay. Lucky color: Yellow, lucky numbe: 20.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mas madali sa iyo ngayon na makuha ang gusto mo. Mas kakaunti ang kakumpe­tensya kaya samantalahin ang pagkakataong nabubuksan. Mag-ingat lang sa mga tang pahgkakatiwalaan. Lucky color: Gray, lucky number: 6.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kung ayaw mong lumayo sa iyo ang isang partikular na indibidwal, ‘wag mas­yadong demanding lalo na kung alam mong hindi na makatotohanan ang ilan sa hinihingi mo. Mas paborable ngayon na ikaw ang magbigay sa iyong kapwa. Lucky color; Silver, lucky number: 53.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kung gusto mong magpa-impress sa iyong mahal, ngayon ang tamang pagkakataon. Makikiayon sa iyo ang takbo ng mga pangyayari. Lakas lamang ng loob ang kailangan mo para mapatuna­yan ang iyong damdamin. Lucky color: Brown, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi puwedeng lagi ka na lamang maluwag at umuunawa sa mga taong patuloy ka namang sinasaktan. Sa pagkakataong ito, iparamdam ang iyong pagkadismaya. ‘Wag hayaang malugmok dahil sa iyong pagbubulag-bulagan. Lucky color: Blue, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kahit hawak mo pa ang lahat ng detalyeng kailangan, mahirap ngayong manalo sa anumang diskus­yon at argumento. Mas mangingi­babaw ang emosyon. ‘Wag itong labanan dahil ito ang totoo. Lucky color: White, lucky number: 18.