Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/20/20

483

AQUARIUS (Ene­ro 20-Pebrero 18) – May ­pangangailangan kang matagal mo nang ­hindi ­tinutugunan. Maaaring ito ang pinagmumulan ng iyong pagkabalisa. ­Hindi sa lahat ng ­pagkakataon ay trabaho ang kaila­ngang harapin. Lucky ­color: Orange, lucky number: 39.

PISCES (­Pebrero 19-Marso 20) – May mga hindi ­inaasa­hang kaganapan na magpa­pa­kilig sa iyo. May ­potensyal din ang isang ­pagbibiyahe. ­Enjoy mo lamang ang mga ­pangyayari at ‘wag ­munang ­kumontra. Lucky color: Silver, lucky ­number: 50.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Makakatanggap ka ngayon ng pagkilala mula sa hindi inaasahang indibidwal. May malaki siyang maitutulong para makuha mo ang pagbabagong matagal mo nang pinag-iisipan. Lucky color :White, lucky number: 4.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May magandang pangyayari sa romansa at para sa mga in a ­relationship na, magbibigay ito ng bagong init sa iyong lovelife. Sa mga ­single pa, namumuro ang bagong adventure sa pag-ibig. Lucky color: Yellow, lucky number: 50.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kung magpopokus ka ­lamang, kahit saang linya ay kaya mong mangibabaw. ­Huwag katakutan ang mga bagong ­oportunidad dahil ­lamang hindi mo ito ­nakasanayan. Lucky ­color: Gray, lucky ­number: 40.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ‘Wag ­paapekto sa mga ­maliliit na pangyayari lamang. ­Sabihin kung ano ang iyong ­opinyon pero iwasang ­maging ­emosyunal. Diplomasya pa rin ang dapat pairalin. Lucky color: Yellow, lucky ­number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Life is short kaya hanggang kailan mo pipi­gilan ang ­sarili para ­maging masaya. ­Hindi hawak ng ibang tao ang ­buhay mo sa halip nasa iyong mga ­kamay ang kontrol kung saang ­direksyon mo gustong pumunta. Lucky color: Brown, lucky number: 49.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Nasa pakikipagkaibigan at mga bagong koneksyon ang ­sentro ng araw mo. Isang imbitasyon ang matatanggap at hindi mo ito dapat palagpasin. Nasa mood ka nga­yon para sa anumang ­adventure. Lucky color: Blue, lucky ­number: 50.

LIBRA (­Setyembre 23-Oktubre 22) –
Mai-involved ka sa isang ­taong may malakas na personalidad. Pero tuluyang kontrahin ito, tingnan mo muna kung may posibilidad na mag-click kayo ng ­taong inaakala mong hindi mo magugustuhan. Lucky color: Pink, lucky number: 39.

Related Posts

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Masyado mong nakakaligtaang tingnan ang mga ­maliliit na isyu at ilan sa mga ito ay luma­laki nang ­hindi mo ­namamalayan. Kaila­ngang magbago ng pokus para hindi ka malagpasan ng mga posibilidad. Lucky color: Silver, lucky number: 26.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Naghahanap ka ng taong magpapakita sa iyo ng espesyal na atensyon. Pero mas dapat mo munang mahalin ang sarili mo bago mag-demand sa iba. Lucky color; Gold, lucky number: 25.

CAPRICORN (­Disyembre 22-­Enero 19) – Mas maraming magagandang pangya­yaring nagaganap kung bukas ka sa anumang posibi­lidad. May mga ­planong sad­yang naka­takdang mabago. ‘Wag itong ­labanan sa halip ay ­ibigay pa rin ang iyong best effort. Lucky color: Gold, lucky number: 50.

TONI GONZAGA

Kaarawan:
Enero 20 ,1984

May maikling pasensya ang mga Aquarius. Sa kabila ng kahinaang ito, marami ang ­hanga sa kanyang pangaral at word of wisdom. Dahil sa husay sa pagsasalita ay maeengganyo kang lumapit sa kanya para makinig. Hindi sila nauubusan ng magagandang ideya kaya naman madalas silang hingan ng payo.