Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/21/2020

358

Emma Bunton
Kaarawan: Enero 21

Malalim mag-isip ang mga Aquiarius. Nakakalula ang kanilang mga ideya na minsan ay mahirap silang sakyan sa mga gusto nila sa buhay. May pagka-aloof din sila at hangga’t maaari ayaw ilang humaharap sa maraming tao.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May kakaibang maamoy sa iyong likuran. Harapin ang isang malaking tanong na matagal mo nang tinatakasan. Matutong makipagsaba­yan kahit na nasa ibang lugar. Lucky color: Orange, lucky number: 54.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mayroon kang inaala na iyong nagawa nang hindi mo sinasadya. Ngayon mo malalaman na wala ka namang dapat na alalahanin. Gagantimpalaan dahil sa kasipagan. Maging positive dahil ito ang higit mong kailangan sa ngayon. Lucky color: Yellow, lucky number: 44.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magiging exciting ang araw na ito dahil sa mga bagong kaganapan. Ituloy ang planong pagbabago na matagal na ninyong pinag-uusapan ng iyong ka-partner. Magiging simbolo ito nang isang metatag na samahan at relasyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 40.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung may pinagdaraanang problema sa pagsasama, ‘wag asahan na maayos ito ngayon. Maiirita sa mga tao sa iyong paligid. Halos lahat nang nagaganap sa iyong paligid ay kinaiinisan. Papatawarin ka naman sa iyong mainitin ng ulo. Lucky color: Blue, lucky number: 53.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mara­ming dapat pag-aralan at gawin. Mahal mo ang iyong trabaho kaya naman magagawa mo ang lahat ng iuutos sa iyo. Bigyan ng atensyon ang isang tao na matagal nang nagpaparamdan ng interes sa iyo. Lucky color: Green, lucky number: 9.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Na-master mo na ang paggawa ng ibang konsepto sa mga dumarating na problema sa iyong buhay. Okay lang mag-isip pero ‘wag ubusin ang oras mo rito. Marami pang pwedeng gawin kaysa magmukmok sa sulok. Lucky color: Red, lucky number: 5.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Marami kang matutuklasan sa iyong sarili. Pero hangga’ t maari ay pairalin ang tamang katuwiran. Sa personal na buhay, maaring matalo sa isang laban. Samantalahin ang libreng oras para ipas­yal ang iyong partner. Lucky color: Silver, lucky number: 45

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Tumigil sandali at huminga ng malalim. Nga­yon ang tamang panahon para gawin ang mga pagbabago sa iyong sarili. Mag-focus sa maliit na bagay tungkol sa iyong sarili. Biglang magbabago ang ihip ng hangin. Lucky color: Violet, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Sa mga panahon ngayon, mas mabuting mag-reflect at manahimik sandali. Magiging magana o inspirado dahil sa magandang sopresa. Dapat na magkaroon ng plan B sakaling hinid umubra ang mga plano. Lucky color: Brown, lucky number: 9.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – ‘Wag mong iuntog ang ulo mo sa pader. Normal lang ang pagkakaroon ng mga problema sa buhay. Sumabay lang sa agos. Patunayan na mali ang impresyon ng iba tungkol sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 6.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Lahat ng iyong hawakan nga­yon ay magiging ginto. Makakamit ang mga mini­mithing bagay. Matutuksong mag-shopping pero hindi ka pa ring magiging masaya sa gagawin dahil magugulat ka sa malaking halaga na iyong nagastos. Lucky color: Yellow, lucky number: 14.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May matatanggap na isang regalo na hindi mo inaasahan. ‘Wag kalimutang magpasalamat dahil baka ito pa ang maging isyu tungkol sa iyo. May mga tao sa iyong paligid na hinihintay ka lang magkamali. Lakasan ang pakiramdam at talasan ang mga mata. Lucky color: Blue, lucky number: 16.