Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/23/2020

438

Epy Quizon
Kaarawan: Enero 23, 1973

Determinado at masigasig sa buhay. Hindi siya titigil hanggang hindi lumalabas ang katotoha­nan. Mahalaga sa kanya ang bawat detalye ng buhay dahil para sa kanya, ito ang sukatan ng isang pagkatao.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Huwag mong ipagkait ang iyong pagmamahal sa tao na matagal mo nang gusto. Ipaglaban ito kung alam mon a siya ang karapat-dapat. Kapag nagawa mo ito ay kakaibang saya ang mararamdaman. Lucky color: Gray: lucky number: 29.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – ‘Wag kalimu­tang bayaran ang bills. Oras na para gumawa ng mga bagong plano sa future. Mag-relax. Mamasyal o mag-shopping kasama ng mga kaibigan. Lucky color: Peach, lucky number: 69.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mataas ang energy sa araw na ito. Pagkagising pa lang ay mararamdaman ang kakaibang sigla. May mga pag-uusap na mag-iiwan ng tatak sa iyong isipan. Lucky color: White, lucky number: 28.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Malakas ang imahinasyon. Sobrang excited sa bagong proyekto. Tanungin mo ang iyong puso para malaman mo kung sino ang tunay mong minamahal. Lucky co­lor: Pink, lucky number: 14.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Bibigyan ng bagong task sa grupong sinalihan. Bigyan ito ng panahon para maipakita na deserving mo ang bago mong posisyon. Hindi ka makakaramdam ng inip sa paghihintay dahil maaaliw ka sa mga makikita mo sa paligid. Lucky color: Red, lucky number: 38.

Related Posts

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Tumupad sa ibinigay na deadline sa iyo para matapos ang isang trabaho. Maubusan ka ng lakas physically at mentally dahil dito. Magbibigay ito sa sobrang stress sa mga susunod na raw kaya’t ngayon pa lang ay magpa-appointment na sa spa. Lucky color: Gold, lucky number: 9.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Sa wakas ay matutupad na ang inaasam na bakasyon. Ayusin na kung saan at kanino iiwan ang mga alagang pet. Sobra kang mae-excite dahil sa bagong adventure. Lucky color: Beige, lucky number: 50.

VIRGO (Agosto 22- Setyembre 22) – Magiging sobrang busy sa araw na ito. Isang bisita ang biglang dadalaw sa iyo para humingi ng payo. Tulungan ito sa kanyang problema. Kung nangangapa sa tamang diskarte na gagawin, magbasa-basa para sa dagdag-kaalaman. Lucky color: Silver, lucky number: 5.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22)- Maraming lakarin na kailangang tapusin. Kung medyo bad mood ay magpalipas muna sa ibang lugar. Dapat mong buksan ang puso at isip mo sa maraming bagay. Lucky color: Orange, lucky number: 18.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Matutuwa sa mga papuri ng mga kasamahan. Maririndi sa walang tigil na tunog ng telepono. Kung walang free time para makipag-chikahan, mas mabuting i-off na lang telepono para walang istorbo. Lucky color: Blue, lucky number: 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Siguraduhin ang bawat hakbang na gagawin. Isiping mabuti ang bawat sulok para walang pagsisihan. May mga impormasyon na hindi na kailangang ikuwento sa iba. Manahimik para makaiwas sa namumuong gulo. Lucky color: Violet, lucky number: 19.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Matatanggap mo ang isang sorpresa mula sa iyong mahal. Kung hindi mo gusto ang regalo ay ‘wag nang magsalita pa. Mauuwi sa tension ang isang kuwentuhan. ‘Wag ipahalata ang pagkairita. Lucky color: Yellow, lucky number: 23.