Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/25/2019

368

Corazon Aquino
Kaarawan: Enero 25, 1993

May unique na personalidad na kadalasang nagbibigay ng maling impresyon sa mga taong hindi tunay na nakakakilala sa kanya. May malasakit sa kapwa bagama’t madalas na nangingibabaw ang pagiging mailap at walang emosyon.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Importante ang komunikasyon dahil marami ka pang dapat malaman. Iwasan muna ang ginagawa at pagtuunan ang seryosong usapin .Mahirap itanggi ang tunay na nararamdan sa isang taong espesyal. Lucky color: Silver, lucky number: 18.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Pagbig­yan ang isang pakiusap ng kasama. Huwag matakot na ipakita ang iyong mga itinatagong talento. Makakatulong sa iyo ang pagrerelaks kung mag-iisa muna. Lucky color: Orange, lucky number:11.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kailangan mo ngayong bumalanse. Iwasang kumampi kanino man. Kailangan mong mag-adjust upang hindi maiwang mag-isa. Buksan ang mga mata sa isang tao na may malinis na puso. Lucky color: White, lucky number: 28.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Matinding emosyon ang puwedeng pagdaanan ngayong araw. Kung may tutol sa mga sinabi, ipaliwanag dito ang pinanggagalingan ng iyong punto. May puwersang humahatak sa ibang direksyon. Mag-ingat. Lucky color: Pink, lucky number: 14.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May nararamdaman kang conflict. Huwag munang umaksyon habang hindi mo pa alam ang totoong kuwento. Makinig sa mga paliwanag bago magbaba ng pinal na desisyon. Maging patas sa katwiran. Lucky color: Orange, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May kakaibang pakiramdam na hindi ma-explain. Iwasan muna ang matataong lugar. Maging direct to the point sa gustong sabihin. Iwasan ang diskusyon tungkol sa pera. Lucky color: Red, lucky number: 13.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mabilis ang takbo ng mga pangyayari . Magugulat sa isang balita na gigising sa iyo ngayong umaga. Maging flexible sa bawat sitwasyon. Yakapin agad ang taong nakasamaan ng loob . Lucky color: Maroon, lucky number; 17.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Paborableng araw ito para sa iyo sa larangan ng negosyo. Maging mas realistic lamang sa mga plano mo at hindi ka magkakamali ng patutunguhan. Magpakatotoo sa nararamdaman. Lucky color: Gray, lucky number: 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May kailangang pagdesisyunan pero nakakagulo sa isip ang sinasabi ng pamilya. Magtiwala lamang sa sariling kakayahan. Hindi mapipigilan nang mga dumarating sa buhay. Lucky color: Green, lucky number: 15.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sikaping maging bukas sa mga posibilidad. Kunin ang opinyon ng isang kasama. Mahalagang makita ang kamalian na matagal mo nang ginagawa. May kasiyahang dulot kung mag-aadjust ka sa sitwasyon. Lucky color: Blue, lucky number: 12.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May pumipigil sa iyo para gawin ang ilang importanteng bagay. Magpalipas muna ng ilang araw. Huwag masyadong mainip. Maglibang o dalawin ang ilang kaibigan. Lucky color: Yellow, lucky number: 52.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mahahati ang damdamin mo sa dalawang magkasalungat na isyu. Matutong mag-share ng blessing. Iwasan ang pagtatapon ng pagkain para hindi ka malasin. Lucky color: Violet, lucky number: 7.