Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/27/2019

368

Willie Revillame
Kaarawan: Enero 27, 1961

Dahil isang air sign, hindi sila ang klase ng lalaki na mahina o may gentle nature. Malakas ang kanilang personalidad. Nakakatakot silang makaaway o makabangga dahil tiyak na hindi ka titigilan na para kang dinaan ng malakas na bagyo. Kaya maging mabait sa mga lalaking Aquarius para walang problema.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –May matinding atraksyon sa isang kaibigan. Hindi ito mapipigilan kahit na umiwas pa. Mas makakabuti na magtapat na ng damdamin dahil mas malaki ang tsansa na mutual ang damdamin sa isa’t isa. Lucky color: Brown, lucky number: 34.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –Magkakaproblema sa isang gamit sa bahay. Magpatulong o magpaturo sa tamang paggamit nito. Magbasa ng libro. Huwag mag-alala sa mga mangyayari bukas. Kumalma ka lang. Lucky color: Yellow, lucky number: 29.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Magugulat sa isang balita. Bagama’t hindi ka direktang kasali ay apektado ka dito. Tungkol ito sa isang kakilala. Alamanin ang totoo bago magsalita o magkomento.Lucky color: Maroon, lucky number: 25.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Mag-iiba ang prinsipyo matapos ang isang insidente. Magbubukas ang isang potensyal na negosyo. Aralin ang detalye na may magandang pakinabang sa iyo sa future. Gamitin sa tamang paraan ang hawak na pera. Lucky color: Silver, lucky number: 20.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magkakaroon ng problema sa negosyo. Sasabay din ang isyu ng lovelife na hindi pa tapos. Magpalipas muna ng ilang araw. Hayaan munang humupa ang malakas na negative energy sa iyong paligid. Lucky color: Orange, lucky number: 10.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Manghihina dahil sa kakaibang nararamdaman sa katawan. Huwag itigil ang exercise dahil ito ang makakatulong para sa kalusugan. Ayusin din ang diet na matagal nang napabayaan. Lucky color: Red, lucky number: 16.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Isang kaibigan ang big­lang magbabago nang pakikitungo sa iyo. Huwag i-stress ang sarili dahil may pinagdadaanan lang ito. Mas mabuting yayain itong lumabas para parehas kayong makapag-unwind. Lucky color: Pink, lucky number:5.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mauubos ang pasensya subalit hindi ito kailangang idaan sa galit. Aminin din ang pagkukulang. Sadyang may mga bagay na hindi akma sa isa’t isa. Tanggapin ito nang maluwag sa dibdib. Lucky color: Blue, lucky number: 2.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Huwag matakot na mag-explore ng mga bagong interest. Magbiyahe para magkaroon ng ibang perspective.Mag-aral para sa dagdag na kaalaman na kakailangin mo sa mga plano sa hinaharap. Lucky color: Silver, lucky number: 30.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Madadagdagan ang kita. Pero mas mabuting mag-ingat para makatiyak na totoong para sa iyo ang dumating na pera. Nasa paligid lang ang magandang suwerte. Nasa iyo na kung tatanggapin ito. Lucky color: Maroon, lucky number: 21.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kontakin ang mga kaibigan kung kailangan mo ng kausap. Mas madali kang makapag-isip kung relax ang isip. Iwasan ang panunumbat na hindi maganda sa isang relasyon. Lucky color: Pink, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maiiwasan ang tension kung ikaw mismo tatahimik. Huwag mamilit para hindi ka masisi sa bandang huli. Hayaan lang lumipas ang maghanap nang simple at tahimik.Lucky color: Gold, lucky number: 11.