Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/29/2019

232

Marvin Agustin
Kaarawan: Enero 29, 1979
Sila ang mga taong mailap at gusto laging mag-isa. Mahirap mabasa ang kanilang isipan dahil lagi silang seryoso at walang kibo. Pero sa kabila nito, madali silang mahalin.

ARIE­S (Marso 21-Abril 19) –Mabibigyan ng ibang kahulugan ang iyong pananahimik. Kakaila­nganin mo ito sa isang alanga­ning sitwasyon. Masyado pang maaga para magpasikat. Lucky color: Red, lucky number: 27.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –I-consider ang ibang opinyon. Mas magiging maganda ang resulta ng isang plano kung marami ang nag-iisip. Nabuksan na ang oportunidad na hinihintay mo, samantalahin ito. Lucky color: Gray, lucky number: 11.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mag-ingat sa desisyon. Iwasan na puro emosyon ang pairalin sa pagkakataong ito. Nakasasalay sa iyo ang kapakanan ng mga kasama. Mag-isip na mabuti. Lucky color: Orange, lucky number: 34.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May masayang tanawin pagkagising sa umaga. Huwag nang ungkatin ang nakaraan dahil mas mahalaga ang kasalukuyan. Maging positive thinker. Lucky color: Yellow, lucky number:25.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –Huwag mong maliitin ang taong mahal mo. Hindi ito makakatulong sa relasyon. Kung may mga bagay na hindi matanggap, humingi pa ng panahon para sa self healing. Lucky color: Maroon, lucky number: 30.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May bahid ng katotohanan ang suspetsa. Ikakagulat ang mga taong sangkot sa isyu. Mas magiging magulo ang sitwasyon kung makikisawsaw pa. Manahimik na lang muna. Lucky color: Violet, lucky number: 4.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi mo nabibigyan ng atensyon ang ilang taong malapit sa iyo. Gamitin ang araw na ito para makabawi sa pamilya. Mas mabuting mamasyal o kumain sa labas kasama ng buong pamilya. Lucky color: White, lucky number: 5.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – ‘Wag ika-depress ang mga pangakong hindi natupad. Laging may pag-asa sa bawat sikat ng araw. Ibuhos muna ang atensyon sa trabaho napapabayaan. Lucky color: Red, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Marami kang naumpisahan na hindi pa natatapos. Mag-focus . Kailangan mo nang maghseryoso sa buhay. Magpatulong sa pamilya kung pinanghihinaan ng loob. Lucky color: Violet, lucky number: 9.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mas lalo pang magiging malapit sa iyo ang tagumpay. Ituloy lang ang magandang umpisa. Bashin ang detalye ng dokumento bago pumirma. Lucky color: Brown, lucky number: 11.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May malaking balita na sasalubong sa iyong umaga. Maging masaya sa tagumpay ng kasama. Kailangan mo ngayon ang lakas ng loob para sa gagawing pagbabago sa sarili. Lucky color: Orange, lucky number: 44,

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isang taong malapit sa iyo ang puwedeng makasakit sa damdamin mo. Huwag masyadong itodo ang emosyon. Mag-iwan nang kaunti para sa sarili para hindi malugmok sakaling hindi magtagumpay ang samahan. Maging alerto sa lahat ng pagkakataon. Lucky color: Blue, lucky number: 9