Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/30/2019

241

Zoren Legaspi
Kaarawan:
Enero 30, 1972

Madaling ma-attract ang mga lala­king Aquarius sa mga matatalino, indepen­dent at mga babaeng walang hang-ups sa katawan. Gusto rin nila yung masarap kausap at walang kiyeme. Type din nila ang pamisteryoso at hindi lantad ang buong pagkatao.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May magi­ging pagbabago sa relasyon. Ihanda ang sarili kung gusto mong magtagal ang pagsasama. Huwag idaan sa biro ang usapin na kumplikado. Lucky color: Yellow, lucky number:20.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Matindi ang pressure sa trabaho. May nagtutulak sa iyo para magbigay ng mabilisang resulta. Hindi ito magiging maganda dahil may epekto sa kalidad.Mas maraming pagkakamali kapag nagmamadali. Lucky color: Gray, lucky number: 33.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Sa halip na magpokus sa mga kahinaan, mas isipin ang puwedeng gawin para madagdagan ang kaalaman. Sa bawat pagkakamali, may mahalagang aral na dapat tandaan. Lucky color: Orange, lucky number: 33.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Matindi ang excitement sa hatid ng bagong lovelife. Kung magpopokus sa positibo, mas ma-eenjoy mo ang nangyayari. Huwag pag-isipan nang hindi maganda ang taong tunay na nagmalalasakit sa iyo.Lucky color: Brown, lucky number: 5.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isa sa mga plano mo ang nakikitaan ng maraming butas. Gayunpaman, hindi ito dapat katakutan. Walang mawawala kung magbabago ng mga plano. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Iwasang magpanik nang wala sa lugar. Mas kailangang kumalma dahil marami ang nakamasid sa iyo. Ipakita na kaya mong dalhin ang sarili nang maayos. Iwasang magbigay ng madramang reaksyon. Lucky color: Green, lucky number: 22.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Nababasa mo kung ano ang iniisip ng isang tao tungkol sa iyo. Kaya naman magtiwala sa sari­ling kutob. Mararamdaman na parang may nag­liligtas sa iyo sa kapahamakan. Dagdagan ang pagdarasal. Lucky color: Blue, lucky number: 53.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May ilang indibidwal na gusto kang sirain. Huwag silang bigyan ng pagkakataon na gawin ito sa iyo. Lumaban kung kinakailangan. Lucky color: Pink, lucky number: 20.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hindi na maibabalik ang nangyari na. Tanggapin ito at mag-move on. Tulungan ang sarili na makabangon sa malaking pagkakamali. Walang ibang gagawa nito kundi ikaw. Lucky color: Pink, lucky number: 19.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang masusunod. May panahon na hindi uubra ang iyong opinyon. Irespeto ang desisyon ng marami. ‘Wag mapagod sa pagsisikap. Lucky color: Red, lucky number: 50.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Alamin muna kung ano ang pinapasok mo. Huwag basta sugod nang sugod. Basahin ang pinipirmahang dokumento. Mahirap nang mapasok sa alanganing sitwasyon na mahihirapan kang makalabas. Lucky color: White, lucky number: 29.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ikaw ang dapat managot sa sarili mo. Wag maging sunud-sunuran sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon. May pagkakataong ikaw ang higit na nakakabatid kung ano ang mas mabuti para sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 5.