Abante Tonite Interactive

Horoscope 01/31/2019

215
Ronnie Liang
Kaarawan:
Enero 31, 1985
 Marami ang ­curious sa tunay na pagkatao ng mga lalaking Aquarius. Iba sila kung mag-isip ­dahil may pagka-advance ang kanilang mga opinyon sa kanilang mga ka-edad. Madalas na hindi sila sumasama sa mga conventional na grupo dahil sa naniniwala sila na unique at angat sila sa iba.
ARIES (Marso 21-Abril 19) – Maraming gustong gawin pero hindi mo alam kung paano at kailan magsisimula. Huminga nang malalim at saka mag-isip. Magiging malinaw ang isipan kung kalmado at naka-relax ang katawan. Lucky color: Violet, lucky number: 43.

 

Abante Hiring – IT dep
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Humahaba ang listahan ng iyong mga obligasyon. Dagdagan ang pagsisikap para magampanan ang lahat ng ito. Alagaan din ang sarili para makapag-perform nang mabuti sa trabaho. Lucky color: Red, lucky number: 32.

 

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May oportunidad na hindi mo mahihindian.  Kunin ito at pag-aralan. Isang kaibigan ang magiging gabay sa balak na proyekto. Ituon muna dito ang oras at ­atensyon. Lucky color: Green, lucky number: 40.

 

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Hindi  makukuntento sa mga ginagawa mo. Huwag hanapin ang perfection dahil hindi ito  makakamit nang madalian. Hindi rin maiiwasan ang pagkakamali kaya’t huwag sisihin ang sarili. Lucky color: Red, lucky number: 13.

 

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – ­Walang maaaring magdikta sa iyo sa mga gagawin. Gumawa ng sariling diskarte. Ikaw ang mas nakakaalam nang mabuti para sa iyo at sa pamilya. Hindi malayong makuha ang inaasam na pagsang-ayon ng lahat. Lucky color: Maroon, lucky number: 11.

 

Related Posts

Kulambo

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kung kumbinsido ka sa ginagawa mo, tuloy-tuloy lang. Maraming istorbo pero ­huwag silang pansinin. Maraming oras na masasayang sa sobrang pag-iisip. Lucky color: Pink, lucky number: 23.

 

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Huwag masyadong pahirapan ang sarili. Maging realistic para hindi mas­yadong madismaya sa mga resulta. Isang dating kasamahan ang magpapakulay sa iyong umaga. Lucky color: Red, lucky number: 7.

 

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang isang araw na puno ng excitement ay maaaring magdulot ng takot sa mga susunod na araw. Pag-aralan ang ugat ng kalungkutan. Matutong magpatawad para sa sariling katahimikan. Lucky color: Gray, lucky number: 10.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May kailangan kang linawin at kailangan itong gawin ngayon. Huwag nang ipagpabukas ang importanteng bagay. Matutong makibagay sa mga bagong kaibigan. Lucky color:  Silver, lucky number: 2.

 

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – May dalawang tao na mag-aagawan sa iyong atensyon. Pag-aralan ang mga opsyon. Piliin ang taong malapit sa iyong puso.  Lucky color: Yellow, lucky number: 11.

 

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Iwasan munang sumama sa mga taong maraming negative vibes sa buhay. Hanapin mo ang mga positibong tao, kaila­ngan mo ng kanilang tulong. Maglagay ng mga bagay na pampasuwerte. Lucky color: ­Orange, lucky number: 4.

 

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Nasa iyo ang mga qualities na hinahanap ng marami sa isang lider. Huwag maliitin ang sariling kakayahan. Higit sa lahat, hindi dapat katakutan ang responsibilidad dahil dito ka mas magiging matatag. Lucky color: Green, Lucky number: 2