Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/01/2019

245

Ronda Rousey
Kaarawan:
Pebrero 1, 1987

Hindi madaling sakyan ang kakaibang personalidad ng mga babaeng Aquarius. May pagka-radikal kung mag-isip pero malambot ang puso. Mahirap silang unawain ngunit mada­ling mahalin.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Maraming dahilan na kailangang isaalang-alang para sa mala­king desisyon. Kung hindi pa handa ang sarili ay mas makakabuting ipagpaliban na lang ito. May pagkakataon pang darating, huwag masyadong magmadali. Lucky color: Green, lucky number: 11.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Buksan ang mga opsyon. Huwag mag-focus sa mabigat na problema. Lilipas lang ang araw na hindi mo namamala­yan. May damdamin na muling mabubuhay. Huwag itong pigilan. Lucky color: Orange, lucky number: 29.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May hatid na benepisyo ang malakas na suporta sa paligid. ‘Wag katakutan ang mga babala. Sa halip, gawin itong gabay sa iyong buhay. Magkakabuhay ang iyong araw dahil sa special na bisita. Lucky color: Maroon, lucky number: 45.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Iwasang maging masyadong seryoso. Kailangan mong ma-appreciate ang ‘lighter side’ ng buhay. Itama ang pag-uugali na alam mong balakid sa iyong tagumpay. Lucky color: Yellow, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ibuhos ang atensyon sa taong nagpapasaya sa iyo. Ipakita rin sa lahat na nagtitiwala ka sa taong ito. Malaki ang magagawa ng positibong pananaw sa inyong pagsasama. Lucky color: Maroon, lucky number: 39.

Related Posts

Kulambo

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Sa pagkakataong ito, isang sitwasyon ang mistulang magbubukas sa iyong mga mata. Kailangang mag-ingat sa bawat hakbang. Huwag agad magtiwala sa magandang ­offer. Maging mapanuri sa taong kaharap. Lucky color: Violet, lucky number: 9.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi mo mailalayo ang sarili mo isang nakaraan. Kailangang mong malampasan ang mga pagsubok para masabi mong ikaw ay nagtagumpay. Nasa kamay mo ang ­solusyon pero hindi mo ito nakikita. Lucky color: Violet, lucky number: 29.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kailangan mong lumaban nang parehas. Ngayon mo makikilala ang mga tunay na nagmamahal. ‘Wag haluan ng kalokohan o biro ang seryosong usapan. Lucky color: Blue, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – ‘Wag nang sayangin ang oras sa usapan na walang katuturan. Pahalagahan ang libreng time. Gamitin ito sa tama at may pakinabang. Lucky color: Gray, lucky number: 21.

CAPRICORN (Disyembre 22-­Enero 19) – Anumang nagsasarang chapter ng buhay ay nag-iiwan ng leksyon at karana­san. Tandaan ito at itanim sa isipan. ­Magiging malaya ang pakiramdam kung itatapon na ang mga sama ng loob. ­Malayo ang mararating sa buhay. Lucky color: ­Orange, lucky number: 30.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Sa ginawang pagbabago, maraming posi­tibong resulta na darating. Malaki din ang tsansa na mag-abroad. Magpasalamat sa mga taong tumulong at nagpapalakas ng iyong kalooban. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May oportunidad ngayon na magpapa­linaw sa lahat ng nangyari. Kung hindi ito makakalagpas, mare-realize mo rin kung ano pa ang mga dapat gawin. Walang imposible sa taong desididong magtagumpay. Lucky color: Red, lucky number: 25.