Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/02/2019

258

Shakira
Kaarawan: Pebrero 2, 1977
Masarap kasama at full of energy. Kung hanap mo ay isang tao na seryoso sa ­relasyon, maaasahan dito ang mga babaeng Aqua­rius. Gagawin nila ang lahat para mapasaya ang kanilang kapartner sa buhay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May ­suwerteng darating na hindi mo inaasahan. ‘Wag ipagkait sa sarili ang magsaya, deserve mo ang ­lahat ng ito. Piliting makapagpahinga ang katawan at isip para mawala ang pananamlay. Lucky color: Brown, lucky number: 39.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Respetuhin muna ang sarili para makuha ang respeto ng ibang kasama. Walang ibang dapat sisihin ­kundi ang sarili. Dapat kang matuto sa mga ­maling ­desisyon sa buhay. Lucky color: Orange, ­lucky number: 54.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – ­Mahirap ngayong makipagsapalaran sa bagay na hindi ka sigurado. Hindi mo hawak lagi ang iyong oras. Mistulang nakatali ang mga kamay sa isang responsibilidad. Pag-isipang mabuti ang mga gagawin. Lucky color: Yellow, lucky number: 21.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Talasan ang pagmamasid. May hindi magandang nangyayari sa iyong likuran. Mas mahihirapan ka kung lagi ka na lamang may kinikimkim na saloobin. Palayain ang puso sa matinding galit. Lucky color: Maroon, lucky number: 2.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Marami ang mapapahanga mo dahil sa iyong pagiging ­creative. Dagdagan ang pagsasanay. Ito na ang umpisa ng magandang takbo ng career. Huwag nang lumihis sa tamang landas. Lucky color: Green, lucky number: 8.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi lahat ay kumbinsido sa mga gusto mong gawin. Bigyan sila ng tsansang makapagpaliwanag. Sa halip na pilitin ang mga tao sa paligid mo, ipakita mo na lamang sa kanila ang malinis na hangarin. Mahirap makuwestiyon sa tamang katwiran. Lucky color: Pink, lucky number: 7.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Bahagyang matitinag ang iyong paninindigan. Tumigil sandali sa ginagawa at mag-isip. May op­syon ka para mabawasan ang tensyon at makaiwas sa mainitang komprontasyon. Lucky color: Blue, lucky number: 21.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mas magiging maayos ang usapan kung paii­ralin ang diplomasya. Maging totoo sa sasabihin. ­Huwag maging paasa para hindi makarma. Lucky color: Gray, lucky number: 3.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ibalik ang pagtitiwala sa taong ­tunay na nagmamahal sa iyo. Walang perpektong tao. Mas pairalin ang pang-unawa sa taong mina­mahal. Lucky color: Red, lucky number: 36.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kung mananatili ka sa maling nakagawian, maa­aring tuluyang mawala ang mga taong nagpapahalaga sa iyo. Piliting magbago kung mahal mo ang iyong sarili. Tanggalin ang pangamba na sumi­sira sa magandang diskarte sa buhay. Lucky color: White, lucky number: 43.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi ngayon ang panahon para gumawa ng isang bagay na nag-aalangan ka. Masusubok ang ga­ling sa pagsasalita. Hindi ito ang pagkakataon para makipagsapalaran tungkol sa pera. Lucky color: Black, lucky number: 4.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Nga­yon ang pagkakataon mong makabawi sa mga mahal sa buhay. Dalawin sila at ipasyal. Mas tamang ituon sa kanila ang atensyon sa araw na ito. Ipa­ramdam ang pagmamahal na walang kapantay. Lucky color: Silver, lucky number: 8.