Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/03/2019

225

Isla Fisher
Kaarawan: Pebrero 3, 1976

Nangingibabaw ang malakas na personalidad kaya naman marami ang ilang o nag-aalangan sa kanilang lumapit. Isa sa katangian ng mga babaeng Aquarius ang pagiging standout. Sa kabila naman nito ang pagi­ging friendly at mapagmahal. Hindi ka nila iiwan sa laban, bagkus ay poprotektahan ka pa hanggang sa huli.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Huwag munang tutulan ang mga suhestyon. Subukan ito at pag-aralan. Baka sakaling maging maayos ang problema sa simpleng solusyon lang. Lucky color: Brown, lucky number: 7.

Abante Hiring – IT dep

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magtrabaho kahit pa kasama ang isang taong pinakaayaw mong makasama. Maging propesyunal. Magiging malaking advantage nito sa inaasam na promosyon. Lucky color: Orange, lucky number: 32.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Magtiwala lamang sa taong tunay na nakikilala. Mas magiging exciting ang mga pangyayari sa susunod na araw. Kailangan mong makipagsabayan kung ayaw mong mapag-iwanan ng iba. Lucky color: Maroon, lucky number: 22.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May malaking oportunidad na ilalapit sa iyo. Gumising nang maaga para mauna sa pila. Kaun­ting panahon na lamang at dara­ting na ang iyong pinakahihintay sa suwerte. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kailangan mong mag-adjust sa iyong pag-uugali. May kaakibat na consequence ang maling asal at gawa. Maging handa sa mga pagbabago sa buhay. Lucky color: Red, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hawak mo ang sariling oras. Hindi kailangang magmadali dahil makakarating din sa pupuntahan. Maraming tao ang gustong makinig at lumapit sa iyo. Lucky co­lor: Gray, lucky number: 5.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Naiilang sa isang tao. Hindi ka makapagsalita ng maayos dahil malakas na presence nito. Magtiwala lang sa sarili at maging confident sa pagsasalita. Lucky co­lor: Violet, lucky number: 26.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Nasa iyong kamay na ang lahat para makamit ang tagumpay. ‘Wag pakawalan ang oportunidad. Hindi ito ang oras para maging emosyunal at maawa sa sarili. Lucky color: Red, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kung hindi mo paniniwalaan ang ginagawa mo, walang ibang bibilib sa iyo. Ipakita ang kumpiyansa. Ngayon ang tamang oras para ipakita ang nakatagong galing. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mabibigyan ka ng pagkakataong ayusin ang gusot sa relasyon.Mahirap sumugal sa hindi ka sigurado. Mas protektahan ang sarili at pamilya. Ikaw ang dapat masunod kung kapakanan mo ang nakasasalay sa desisyon. Lucky co­lor: Blue, lucky number: 44.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung dating nakarelasyon ang taong ito, kailangan ninyo nang magkapatawaran. Mawawala ang bigat sa dibdib kung mag-uusap at tatapusin nang maayos ang ugnayan. Iwasang magsalita ng hindi maganda para walang pagsisihan. Lucky color: White, lucky number: 17.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May malalim na dahilan sa nararamdamang kalungkutan. Piliting mapaglaban ito. Lumapit sa pamil­ya at magsabi ng totoo. Kailangan mo ng isang tao na masasandalan para malagpasan ang kabanatang ito sa iyong buhay. Lucky color: Blue, lucky number: 8.