Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/04/2019

175

Calvin Abueva
Kaarawan:
Pebrero 4, 1988

Eksperto sa mind games ang mga lala­king Aquarius. Kung hindi mo sila lubusang kilala, posibleng mainis o ma-intimidate sa kanilang ugali na ito. Mas gusto nilang makisama o makipag-usap sa mga tao na gagana ang kanilang kaisipan, na may sari­ling ideya at prinsipyo.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Tumulong nang walang hinihintay na kapalit. Ngayon ang tamang panahon na ipakita ang tunay na malasa­kit sa taong minamahal. Tuparin ang mga pangako. Lucky color: Pink, lucky number: 43.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Iwasan ang sobrang pag-aalala. May mga isyung simple lang at hindi dapat problemahin. Mas dapat asikasuhin ang kalusugan. Lucky color: Red, lucky number: 34.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Makakatanggap ng award. Deserve mo ang lahat ng ito kaya mag-enjoy na lamang. Magpasalamat din sa tulong ng mga kaibigan. Lucky color: Gray, lucky number: 41.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May magagawa ka para baguhin ang isang sitwasyon. Huwag manahimik. Sabihin ang gustong sabihin basta’t nasa tamang katwiran. Lucky color: Yellow, lucky number: 9.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magtiwala sa sarili at mas malaki pa ang iyong magagawa. Pumapanig sa iyo ang malaking suwerte. Maghinay-hinay lang sa paggasta para hindi maubusan ng pera sa wallet. Lucky color: Orange, lucky number: 50.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Maraming opsyon na puwedeng pagpilian. Alam ng puso mo kung sino ang tunay na gusto. Huwag pahirapan ang sarili sa maling desisyon. Lucky color: White, lucky number: 45.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Maaaring maging isyu ang tungkol sa pera. Kung hindi mo matanggap ang kanyang mga sinasabi, kausapin ito nang maayos. Mas dapat pairalin ang diplomasya. Lucky color: Maroon, lucky number: 17.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Huwag sayangin ang pera sa pagbili ng isang bagay na hindi kailangan. Makinig sa mga paalala. Magkakagulo sa pamilya kung ipipilit ang gusto. Lucky color: Gray, lucky number: 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – ‘Wag maliitin ang sariling kakayahan. Gawing produktibo ang iyong araw. Bago lubusang magtiwala, kilalanin munang mabuti ang nagpapanggap na kaibigan. Lucky color: Violet, lucky number: 6.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magtiwala sa kutob. Makakaiwas sa sitwasyon kung diretsong uuwi sa bahay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging sunud-sunuran ka lamang sa kagustuhan ng iba. Ipakita na mayroon kang ‘say’ sa isang usapin. Lucky color: Maroon, lucky number: 14.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung nararamdaman mong may magagawa ka sa isang sitwasyon, gawin ito. Hindi ito ang oras para magsawalang-kibo. Ipaglaban ang sa palagay mo na tamang gawin. Lucky color: White, lucky number: 1.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Piliting maging positibo ang pananaw. Hindi makakatulong kung lagi kang magrereklamo. Maraming dapat ipagpasalamat. Maging good example sa mga kasamahan. Lucky color: Yellow, lucky number: 2.