Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/05/2019

112

Lee Hyun-joo

Musikera

Kaarawan: Pebrero 5, 1998

Mahilig sa mga bata ang babaeng Aquarius. Sila ang klase ng tao na mas gugustuhing mamalagi sa sa bahay kaysa lumabas. Kaya niyang madyikin ang marumi at magulong bahay para maging isang palasyo sa ganda at linis.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mauuwi sa magandang pagtitinginan ang pagsusulatan. May mainit na damdamin na nangingibabaw. Hindi mo pa nakikita ang taong ito kaya’t huwag masyadong umasa. Lucky color: Blue, lucky number: 22.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May matutuklasan tungkol sa investment. Kumunsulta ng propesyunal. Kailangang makasiguro na tama ang gagawin. Lucky color: Yellow, lucky number: 32.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May good news sa isang mensahe. Samantalahin ang dumarating na magandang oportunidad sa career. Unti-unti nang makakamit ang bunga ng mga pinaghirapan. Lucky color: Orange, lucky number: 49.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magiging interesado sa isang kausap. Ang taong ito ay magbibigay sa iyo ng makabagong kaalaman. Magiging masaya ang buong araw. Malaki ang impact ng magiging desisyon sa magiging kinabukasan mo. Lucky color: Blue, lucky number: 20.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Malakas ang mental at physical energy. May isang proyekto na magiging malapit sa iyong puso. Kung feel mong lumabas, mag-jogging ka para pawisan. Lucky color: Gray, lucky number: 10.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May package na paparating. Magugulat sa taong nagbigay nito. Siya ang laman ng isipan sa buong araw. Maging sincere sa pakikitungo sa isang kaibigan. Lucky color: Blue, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Isang kaibigan ang biglang dadalaw at tutulong sa mga gawain. Maraming ideya na maiisip. Alisin ang mga tambak ng basura para dumaloy ang suwer­te sa loob ng bahay. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mauubos ang oras sa mga gawain sa trabaho. Mapapagod pero may positibong hatid ito para sa iyo. Manatiling naka-focus. Humingi ng paliwanag kung naguguluhan sa isyu. Lucky color; Gray, lucky number: 22.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Magiging interesado sa isang topic na may kinalaman sa problema. Mag-research muna para sa dagdag kaalaman. Pumunta sa lugar kung saan ka magiging kalmado at payapa. Lucky color: Red, lucky number: 19.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Babalik ang mga masasayang alaala. Ito ang uubos sa iyong oras na dahilan para hindi magawa ang mga trabaho. Isulat ang naglalaro sa isipan. Magiging kapakipakinabang ito sa mga darating na araw. Lucky color: Orange, lucky number: 7.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magiging masigla sa mga social events. Iikot ang topic sa isang tao na matagal nang hindi nakikita. Mabilis ang itatakbo ng isipan. Itigil muna ang mga espekulasyon na walang basehan. Lucky color: Green, lucky number: 14.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maraming mai-impress sa iyong pagsasalita. Magbabago ng opinyon ang ilang kaibigan tungkol sa iyo. Buksan ang puso sa pagtulong. Lucky color: Violet, lucky number: 2.