Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/06/2019

217

Bob Marley

Kaarawan

Kaarawan: Pebrero 6, 1945

Malaki ang kanilang interes na tumuklas ng mga misteryo sa buhay. Curious sila tungkol sa mga topic na may kinalaman sa spirituality kaya’t kakaiba ang kanilang pananaw sa buhay. Mahirap silang maunawaan kung magiging literal ka sa kanilang mga sinasabi.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May hindi tama sa iyong sitwasyon. Alam mo sa iyong sarili kung saan ka nagkamali. Mas mabuting aminin na ito at huwag nang magkaila o mangatwiran pa. Ipaliwanag ang mga dahilan at ikaw naman ay paniniwalaan. Lucky color: Orange, lucky number: 7.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag ipi­lit ang mga bagay na hindi talaga puwede. May pagkakataong na kapag pinilit ay lalong magiging mailap ang iyong minimithi. Ganito ngayon ang sitwasyon mo. ‘Wag malungkot dahil pansamantala lamang naman ito. Lucky color: Red, lucky number: 30.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – ‘Wag munang isipin ang bagay na hindi pa nagaganap. Ku­malma lang at hayaan ang mga mangyayari. May oportunidad na hindi dapat sayangin. Lakasan ang loob. Lucky color: Violet, lucky number: 5.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Huwag magpaapekto sa pressure. Magpokus sa dala­wang importanteng isyu sa buhay. Isantabi muna ang ibang problema. Push pa more at makikita mo ang hinihintay na suwerte sa buhay. Lucky color: Blue, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Iparamdam ang pagmamahal sa taong espesyal. Oras na para magplano sa future. Makinig sa mga paalala tungkol sa kalusugan. Lucky color: Maroon, lucky number: 30.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magpasalamat kahit sa maliit na bagay. Bigyan ng pagpapahalaga ang oras na ibinibigay ng isang kaibi­gan. Tiyakin muna ang intensyon bago pumasok sa relasyon. Lucky color: Red, lucky number: 30.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May sensitibong isyu na iikot sa isang kasunduan. Gaano man kaayos ang isang partnership ay hindi rin magiging maganda sa katagalan. Pag-aralan muna ang mga plano. Lucky color: Blue, lucky number: 47.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – ‘Wag makunteno sa puwede na. Itaas ang goal sa buhay. Promising ang araw na ito sa inaappl­yang trabaho. Stable ang dating ng pera sa negosyo. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Tuloy-tuloy ang pagganda ng career. Ma­ging listo sa mga sakit na may kinalaman sa puso at lungs. Iwasang maging unrealistic pagdating sa mga expection sa iyong love life. Lucky color: Blue, lucky number: 3.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –Maganda ang negosyo na may kinalaman sa online selling. Maayos ang takbo ng pera. Mag-ingat sa mga sakit na may kinalaman sa buto. Lucky color: Yellow, lucky number: 10.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ina­akala ng iba na madali ka lamang maimpluwensyahan. Kaya mong magmatigas kung may gustong ipaglaban. Panindigan ang itinuturing mong tama. Lucky color: Brown, lucky number: 19.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Makikilala sa iyong larangan. Huwag ipikit ang mga mata sa katotohanan. Ikaw ang magiging boses ng mga kasamahan kaya mas pagbutihin ang ginagawa. Lucky color: Blue, lucky number: 11.