Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/07/2018

1,516

ARIES (March 21-April 19) – Dobleng ingat sa pekeng kaibigan dahil baka mapahamak ka lang. Kung may time, mas mabuting manatili sa bahay at maglinis ng kuwarto. Magbukas ng radyo para sumaya ang mood. Lucky color: Blue, lucky number: 30.

TAURUS (April 20-May 20) – Magpasalamat kahit sa maliit na regalo. Magpakumbaba sa taong mas mataas sa iyo. Ikaw ang lalapitan ng trabaho dahil sa husay at galing. Lucky color: Brown, lucky number: 21.

GEMINI (May 21-June 20) – Masuwerte sa iniingatang mga numero. Ipahinga ang pagod na katawan. Magtiyaga sa kung anong mayroon ka. Huwag maging mapaghanap. Lucky color: Silver, lucky number: 5.

CANCER (June 21-July 22) – Makinig sa paliwanag. Malilinawan ang isip kung magiging bukas sa ibang bagay. Maraming puwedeng gawin kaysa makipagtsismisan. Lucky color: Orange, lucky number: 5.

LEO (July 23-August 22) – Masuwerte dahil sa mga positibong tao sa paligid. I-devote ang libreng oras sa pagtulong sa kapwa na maghahatid ng kakaibang ligaya sa puso. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

VIRGO (August 23-September 22) – Sumama sa mga kaibigan sa pamamasyal para malibang. Kailangan mo ngayong tumawa at makakawala sa routine. Mas lalala ang stress kapag hindi mo tinulungan ang sarili. Lucky color: Brown, lucky number: 10.

LIBRA (September 23-October 22) – May taong gustong magsamantala sa iyong kabutihan. Kung may lalapit at hihingi ng tulong, tiyakin kung totoo ang pakay nito. Mahirap nang maisahan lalo na tungkol sa pera. Lucky color: Blue, lucky number: 16.

SCORPIO (October 23-November 21) –Sumubok ng bagong hobby. Maiinip sa mabagal na takbo ng oras dahil walang ginagawa. Lumabas ng comfort zone para may mabago sa buhay. Lucky color: White, lucky number: 7.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Huwag mahiyang magpatulong kung talagang hindi na kaya ang dinadalang problema. Matibay ang pundasyon ng relasyon kaya’t hindi ito basta matitibag dahil lamang sa selos. Ipaglaban ang pag-aari mo. Lucky color: Maroon, lucky number: 20.

CAPRICORN (December 22-January 19) –Magkakaproblema sa personal na buhay. May sasalungat sa opinyon. Maging kalmado habang nakikipag-usap. Idaan sa maayos na usapan ang isyung pinagtatalunan sa loob ng bahay. Lucky color: Green, lucky number: 30.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mas mare-relax sa bahay. Bumawi sa mga oras na hindi nakasama ang pamilya. Regaluhan ang kaibigan na nakatulong sa iyo. Lucky color: Orange, lucky number: 2.

PISCES (February 19-March 20) – Magparaya para sa ikatatahimik ng lahat. Marami nang nadamay sa mga nangyari kaya’t mas mabuting manahimik muna. Walang masama kung makikipaglaro na parang bata. Mas masarap tumawa kaysa magmukmok. Lucky color: Gray, lucky number: 50.