Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/07/2019

128

Angel Aquino

Kaarawan: Pebrero 7, 1973

Minsan ay mahirap unawain ang ikinikilos ng mga Aquarius woman dahil sa pabago-bago nilang isip. Nakagisnan na nila ang kakaibang prinsipyo at paniniwala. Minsan nakakagulat ang kanilang mga ideya na palaban na handa nilang pangatawan hanggang sa katapusan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Maging friendly dahil mas masaya kapag maraming kaibigan. Mas malakas na suporta ang kailangan mo ngayon sa iyong kalungkutan. Pag-isipan ang alok na trabaho sa ibang lugar. Lucky color: Pink, lucky number: 23.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ayu­sin ang sariling buhay. Hindi sa lahat ng oras ay may matatakbuhan ka. Maging seryoso sa gustong pagbabago. Lucky color: Green, lucky number: 11.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Diretsuhin ang gustong sabihin. Ihanda ang sarili sa mga pagtutol. Bahagi ito ng isang laro sa buhay na dapat mong harapin. Chill lang at huwag laging seryoso. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Bantayan ang mga gamit. Posibleng may makalimutan sa iyong pagmamadali. Iwasan ang usapan na walang katuturan para hindi masayang ang iyong oras. Lucky color: Brown, lucky number: 30.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Timbangin ang puso sa dalawang taong espesyal sa iyo. Huwag basta maniwala sa matatamis na salita. Obserbahan ang kanilang kilos at pananalita. Lucky color: Gray, lucky number: 41.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kailangang tulungan ang sarili na matuto ng bagong kaalaman. Umamin sa kahinaan. Ngayon ang good timing para sa bagong pakikipagsapa­laran. Lucky color: Red, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Paghusayan pa ang iyong trabaho. Ikaw ang isa sa mapipili para bigyan ng parangal. Tuparin ang pangako na pagbabayad ng utang. Lucky color: Yellow, lucky number: 28.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mag-ingat sa sikretong kaaway. May isang sopresang regalo na magpapasaya sa iyo. Paghandaan ang malaking paghamon sa iyong trabaho. Lucky color: Green, lucky number: 16.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Maaari kang makatagpo ng bagong oportunidad sa iyong paglalakad. Bigyan ito ng panahon para mapag-isipan. Lucky color: White, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Malakas ang hatak ng tukso. Kaila­ngan ng ibayong self-control para hindi madala sa maling direksyon. Mas mabuting magsalita sa pamilya na aagapay sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number:2.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kamustahin ang isang malayong kaibigan. Kailangan nito ng iyong tulong. Mas mabuting kalimutan muna ang anumang hindi pagkakaunawaan sa panahon ng emergency. Lucky color: Brown, lucky number: 46.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Irespeto ang opinyon ng kapartner. May gumugulo sa isipan na nakakaapekto na sa iyong kalusu­gan. Magpahinga muna at tumigil sa anumang ginagawa. Tulungan ang sarili na makabawi ng lakas. Lucky color: Silver, lucky number: 5.