Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/09/2019

0 144

Dennis Padilla
(Kaarawan: Pebrero 9, 1962)
Siya ang klase ng tao na totoong mapagkakatiwalaan kahit na minsan ay mahirap silang kausap dahil sa kaka­ibang takbo ng isip. Hindi sila magsisinungaling kahit pa nasa gitna ng alanganing sitwasyon. Makikita sa kanilang relasyon ang debosyon at ma­tinding respeto sa kanilang ka-partner.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Lilipas lang ang nararamdamang lungkot. Magpasalamat sa pangalawang pagkakataon. May isang indibidwal na makakaalala sa inyong nakaraan. Magpaparamdam ito sa iyo ngayon, kundi man ay sa susunod na mga araw. Ihanda ang sa­rili. Lucky color: Maroon, lucky number: 54.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Gawing espesyal ang araw na ito para sa mga taong minamahal. Maglaan ng maraming oras sa pamilya. Mapapagaan nito ang iyong pakiramdam. Lucky color: Red, lucky number: 4.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Nasa iyo ang lahat ng suwerteng hina­hanap. Huwag itong sayangin at paba­yaan. Maraming magandang darating. Nasa iyo na lang kung ano ang pipiliin. Lucky color: Gray, lucky number: 12.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kung may mga aberyang naranasan sa mga nagdaang araw, ngayon ay puro magaganda ang mangyayari sa bagong chapter ng iyong buhay. Tiyakin lamang na nakalatag nang lahat ang mga plano mo at kaya mo itong suportahan financially. Lucky color: Maroon, lucky number: 7.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Sa pagkakataong ito ay importante ang iyong loyalty. Masusukat ngayon ang iyong ka­tapatan at dito magsisimula ang pagbabago sa iyong buhay. Magbibigay-daan ito para ikonsidera ang isang hindi mo pa nasusubukan. Lucky color: Yellow, lucky number: 33.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Huwag basta husgahan ang taong hindi pa kilala. Maaaring mali ang iyong impresyon na base lang sa iyong imahinasyon. Maging si­gurado sa iyong sasabihin para hindi mapa­sama. Lucky color: Gold, lucky number: 9.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May ilang sitwasyon na hindi mo na mababago. Tanggapin na lang ito nang maluwag sa kalooban. May mga bagay na hindi talaga para sa iyo. Maging bukas ang isip at lawakan ang pang-unawa. Lucky color: Maroon, lucky number: 38.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May mga taong sobra ang paghahangad na ikaw ay pabagsakin. Mag-ingat sa mga taong kinakausap. Maging mapagmasid lalo na sa mga taong laging nakangiti sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Maraming distraksyon sa iyo sa araw na ito. Nasa iyo kung magpapaapekto ka. Mas mabuting libangin ang sarili para hindi na makapagsalita ng masama. Babalik sa iyo ang magandang nagawa sa kapwa. Lucky color: Gray, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-­Enero 19) – Hindi masamang sumubok sa hindi mo dating ginagawa. Ipakita rin ang pagiging flexible. May sa­rili kang desisyon at ito ang iyong sundin. Lucky color: Gold, lucky number: 22.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung dati’y tila mabigat ang kalooban mo sa nasagap na balita, ngayon ay nakita mo na rin ang hatid nitong kabutihan pabor sa iyo. Hindi ka mawawalan ng inspirasyon dahil may isang tao na la­ging nakabantay at umaalalay sa iyo. Lucky ­color: Green, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –Umiwas muna sa mga mainitang usapan. Hindi ito makakatulong sa iyong kalusugan. Magbiyahe. Mas makakatulong ang preskong hangin at payapang lugar para makapagrelaks. Lucky color: Orange, lucky number: 1.