Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/10/2019

0 146

EMMA ROBERTS (American actress)
Kaarawan: Pebrero 10, 1995

Mahilig sa pagbabago ang mga may zodiac sign na Aquarius. Nandoon sila kung nasan ang aksyon, laging on the go. Epektibong frontliner, mahusay na pinuno dahil ang salita nila ay kadalasang sinusunod Kapag may oportunidad ay hindi nila pinapalagpas dahil ang parehas na laban ay wala sa kanilang karakter.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –Huwag agad mawalan ng pag-asa. Magtiwala sa taglay na talent at ga­ling. Kailangan mo lang magkaroon ng lakas ng loob para magawa ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa. Lucky color: Yellow, lucky number: 43.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maging honest sa pagkakataong ito. Mas mahirap paniwalaan ang mga sinasabi na base lang sa hearsay. Simple lang ang iyong problema kaya huwag itong gawing kumplikado. Lucky color: Blue, lucky number: 4.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Tuparin ang kasunduan. Itago ang sikreto katulad ng inyong pinag-usapan. Mahirap masira sa isang salita na maaaring makasira sa iyong pangalan. Magdahan-dahan sa pag-aakusa. Lucky color: Maroon, lucky number: 30.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Maging considerate sa taong minsan nang nakatulong sa iyo. Maraming pang darating na suwerte kahit kung hindi natutupad ang ilan sa iyong mga plano. Importante ngayon ang mag-focus sa kasalukuyan. Lucky color: Blue, lucky number: 9.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Tignan ang mga opsyon. Isiping mabuti kung ano ang mas makakabuti para sa iyo. Maglakad-lakad. Minsan, may makikitang maganda sa madilim at magulong senaryo. Lucky color: White, lucky number: 22.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Alamin muna ang totoo bago mag-react. Iparamdam ang tunay na saloobin. Hindi kailangang itago ang damdamin dahil lang sa takot. Maraming puwedeng mangyari sa isang maling pagsubok. Lucky color: Blue, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Tuloy ang buhay kahit na nasaktan. Marami pang masasayang mangyayari sa iyong buhay kung magiging positibo ang pananaw. Iwasan ang mga tanong na parang nanghuhusga. Lucky color: Gray, lucky number: 27.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mag-ingat sa mga pagkain na bawal. Kung hindi ito gagawin, maaaring magkaproblema sa kalusugan. Ang iyong pagkamalikhain ay mangingibabaw sa iyong trabaho. Makakatanggap ng dagdag suweldo dahil sa pagsisikap. Lucky color: Orange, lucky number: 12.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ang iyong pagiging pasensyoso ang magiging daan para mapalapit sa taong natitipuhan. Tignang mabuti ang nilalakaran para hind madapa. Mapupuno ng saya at tawanan ang matagal na kuwentuhan. Lucky color: Blue, lucky number: 51.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Ang sobrang pagpapagod sa trabaho ay hindi nakakabuti. Maraming oportunidad na magbibigay ng dagdag na kaalaman. Samantalahin ang libreng oras para makasama ang pamilya. Lucky color: White, lucky number: 25.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Harapin ang anumang dumarating. Maganda man ito o hindi ay dapat ipagsalamat. Makikita ang positibong hatid sa isang problema. Huwag biglain ang pamilya sa mala­king balita. Lucky color: Brown, lucky number: 30.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May kontra sa iyong mga sinasabi. Maging kalmado at ituon ang atensyon sa taong kausap. Huwag hayaang masira ng ego o pride ang magandang samahan. Huwag ipilit o mag-expect sa iyong minamahal dahil maraming plano ang hindi matutuloy. Lucky co­lor: Violet, lucky number: 20.