Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/11/2019

281

Lourd de Veyra

Kaarawan: Pebrero 11, 1975

Malaking challenge sa lalaking Aquarius ang pagkakaroon ng relasyon sa opposite sex. Mayroon siyang sari­ling batayan ng isang perpektong babae na kanyang hinahanap pero sa isang iglap ay puwede itong mabago. Patunay lamang ito na mahirap silang pagkatiwaan lalo na tungkol sa damdamin dahil sa kanilang pabago-bago ng isipan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ihanda ang sarili sa matinding labanan o kompetisyon sa trabaho. Walang puwedeng makapigil sa gustong gawin. Maging considerate sa mararamdaman ng ibang kasama. May ilang tao na pilit eeksena para mapunta sa kanila ang kredito. Lucky color: Green, lucky number: 6.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maglinis ng bahay. Mas magiging maganda ang pasok ng suwerte kung walang mga kalat. ‘Wag isisi sa iba ang sariling kasalanan. Lucky color: Violet, lucky number: 17.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Tumulong kung may sobrang pera. Mas makukuha ang respeto ng mga kasama kung magpapakumbaba. Magiging masuwerte sa pakikipagsosyo sa negos­yo. Lucky color: Orange, lucky number:25.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Matatanggap ang iyong mga opinyon at ideya. Iwa­san ang pagsasayang ng oras. Maraming puwedeng gawing produktibo kaysa tumambay. Lucky color: Pink, lucky number: 4.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Tumigil sandali sa ginagawa at humarap sa salamin. Isipin ang maraming pinagdaanan at kung paano ito nalampasan. Magbakasyon muna para umaliwalas ang isip. Lucky color: Green, lucky number: 18.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Labanan ang sobrang kalungkutan. Mahirap itong gawin pero walang mawawala kung susubukan. Una sa lahat ay kumausap ng isang tao na iyong pinagkakatiwalaan. Tumingin sa itaas at tiyak na mag-iiba ang pakiramdam sa bagong kapaligiran. Lucky color: Brown, lucky number: 12.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Huwag kuwestiyunin ang mga nangyayari. May dahilan ang bawat nagaganap sa buhay. Bigyan ng tsansa ang sarili na ma-develop ang nararam­daman para sa isang espesyal na tao na may pagtingin din sa iyo. Lucky color: Red, lucky number: 25.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magiging in demand ang bagong hanapbuhay. Maraming tao ang gustong makipag-usap at ma­kihalubilo sa iyo. Ihanda ang sagot sa mga katanungan. Huwag maging martir kapag nasasaktan. Lucky color: Black, lucky number: 6.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Magsuot ng makukulay na da­mit. Makakaatrak ito ng maraming suwerte. Mas ma­buting umiwas muna sa mga diskusyon. Hindi mo kakayanin ang bagong gulo sa buhay dahil hindi ka lubusang naka-move on sa dating problema. Lucky color: Silver, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May isang tao na malapit sa iyo ang tunay na nagmamalasakit. Marahil hindi mo napapansin ang kanyang mga ginagawa bagama’t marami na ang nakakapansin. Sumali sa mga group activity. Kailangang maglibang para mawala ang focus sa dinadalang problema. Lucky color: Gray, lucky number: 8.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Huwag kimkimin ang problema tungkol sa pamilya. Puwedeng lumaki ang isyu kung malalaman pa ito ng iba. Itikom ang bibig at hayaan na lumipas lang ang mga araw. Lucky color: Maroon, lucky number: 10.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Tungkol sa love at career ang mangingibabaw sa araw na ito. Malilito dahil sa sunud-sunod na tawag sa te­lepono. May hatid na magandang resulta ang ma­tagal nang sakripisyo. Lucky color: White, lucky number: 2.