Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/12/2019

292

Jose Manalo

Kaarawan: Pebrero 12, 1966

Matatalino ang mga lala­king Aquarius. May taglay silang galing sa pagsasalita . Matalinong kausap at mahusay sa debate. Kung hirap ang iba na ma-survive ang mahabang talakayan, hindi ang mga Aquarius dahil hindi sila nauubusan ng lakas at magandang ideya.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mararamdaman ang malakas na intuwisyon. May magandang ganap sa career o personal goal. Alam mong kaya mong basahin ang kapalaran ng ibang tao. Magagamit mo ito sa iyong tagumpay. Lucky color: Blue, lucky number: 14.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Tulungan ang mga kaibigan na gumawa ng plano. Ikaw lang ang makakatulong sa kanila. Magiging sentro ng atensyon ng maraming tao. Huwag kalimutan ang sa­riling mga pangarap. Lucky color: Red, lucky number: 10.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Makakatulong ang malinaw na pag-iisip at magandang katuwiran para sa binabalak na negosyo. Promising ang anumang may kinalaman sa pera. Piliting madagdagan ang kaalaman. Masosopresa sa magandang resulta ng pinagpagurang proyekto. Lucky color: Brown, lucky number: 29.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magkakaroon ng biyahe sa ibang lugar. Posibleng ma­ging daan ito para matuklasan ang husay sa pagsasalita. Makinig sa sinasabi ng ibang kasama. May makikilala mga importanteng tao. Dito mag-uumpisa ang nabagong plano sa future. Lucky color: Gold, lucky number: 25.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magiging epek­tibo ka sa iyong trabaho. Maayos ang takbo ng isipan dahil sa tuwang nararamdaman sa iyong puso. Huwag kaligtaan ang pangakong binitiwan sa mga batang kapamilya. Lucky color: Blue, lucky number: 27.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May dadaluhan na party. Ilan sa mga kaibigan ang makakasama sa kasiyahan. Naka-focus sa negosyo ang magiging usapan. Isulat ang mga importanteng impormasyon para hindi makalimutan. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mas gusto mo ang usapang pang-intelektuwal. Pagod ka nang makinig sa mga kuwentong walang katutu­ran. Mas mabuti pang matulog kaysa maubos ang oras sa tsismisan. Gawing produktibo ang araw kahit na walang ginagawa. Lucky color: Yellow, lucky number: 41.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang matandang bisita ang dadalaw sa iyo. Humi­ngi ng payo sa isang problema. Magiging maganda ang buong araw sa lovelife at trabaho. Lucky color: Blue, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Pairalin ang tamang katuwiran. Mas gugulo ang situwasyon kung paiiralin ang emosyon. Maging praktikal sa desisyon dahil ito ang mas makakabuti para sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 45.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –May isang tao na gusto mong kausapin pero takot kang lapitan. Kung hindi pa sigurado sa damdamin ay mas mabuting palipasin muna ang ilang araw. Mahihirapan kang patunayan ang mga sinasabi kung pilit ang iyong saloobin. Lucky color: Maroon, lucky number: 8.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Nga­yon ang pagkakataon na maipakita ang kakayahan at katalinuhan sa trabaho. Pairalin ang sipag at tiyaga dahil ito ang paraan para makakaahon. Naaayon ang panahon sa isang malayong paglalakbay. Iwasan ang malungkot. Lucky color: White, lucky number: 33.

PISCES – (Pebrero 19-Marso 20) – Huwag masyadong pansinin ang mga naririnig. Ituloy lang ang mabilis na paglakad. Magtiwala sa sarili dahil batid mo na walang mali sa iyong ginagawa. Lucky color: Brown, lucky number: 19.