Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/12/2020

404

CHRISTINA RICCI

Kaarawan: Pebrero 12, 1980

Isa sa malaking problema ng mga Aquarius-born ang pagiging limi­tado at pigil. Gustuhin man nilang magsalita at ilabas ang kanilang opinyon sa isang bagay, ay ‘di nila magawa na tila may pumipigil sa kanila. Madalas silang masabihan na manhid at walang pakialam pero sa totoo lang, kailangan muna nilang magtiwala bago nila ilabas ang kanilang saloobin.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Bagama’t hindi ka pa mas­yadong handa, marami kang matutunan sa pag­lipas ng mga araw. Isapuso ang bawat aral ng isang karanasan. Mas malaki ang magiging benepisyo kung lagi kang naka-smile at positibo. Lucky color: Violet, lucky number: 25.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Iwasang makasakit ng damdamin ng iba. Kung walang magandang sasabihin ay itikom na lang ang bibig. May mga bagay na kailangang palagpasin kesa pa­tulan. ‘Wag nang hanapin ang anumang wala sa iyong mga kamay dahil mas marami ang blessings na dapat ipagpasalamat. Lucky color: Yellow, lucky number: 57.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May malalim na koneksyon ang isang panaginip sa totoong nangyayari sa buhay. Samantalahin ang magandang pasok ng suwerte. I-celebrate ang isang mala­king okasyon. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Alam ng puso mo kung sino ang tunay mong minamahal. Mahirap lokohin ang sarili dahil dito nakasalalay ang iyong kaligayaham. Sa pagkakataong ito ay magpakatotoo dahil ikaw din ang masasakyan kapag hinayaan mong mangi­babaw ang pagkukunwari. Lucky color: White, lucky number: 8.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ang pabago-bago mong mood ang posibleng maglagay sa iyo sa isang alanga­ning sitwasyon. Hinay-hinay sa paglalabas ng pera. May malaking gastusin an dapat paghandaan. Ma­ging positive para makamit ang gustong posisyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 1.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Tanggapin ang mga puna o kapintasan. Gamiting itong paraan para i-improve ang sarili. Bahagi ito ng iyong paglipad sa posisyon na matagal mo nang gustong maabot. Lucky color: Orange, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May mga bagay na sadyang hindi para iyo. Tanggapin ito ng maluwag sa dibdib. Mas isipin ang mga bles­sings kaysa sa mga kabiguan. Tulong mo na ito sa iyong sarili para hindi masaktan sa bandang huli. Lucky color: Violet, lucky number: 60.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Habaan pa ang pasensya. Ito ang mas higit na kailangan sa ngayon kesa anupaman. May matutuklasan na labis mong ikakabigla. Mas magi­ging malalimang samahan kapag nalagpasan ang mga pagsubok. Mas kailangan mo ngayon ang iyong mga kaibi­gan para may makausap. Lucky color: Red, lucky number: 27.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kung may ginawa kang espesyal para sa mahal mo, hindi mo kailangang maghintay ng kapalit. Ipakita ang sinseridad. Punuan ang mga pagkukulang nitong nakaraang mga araw. Lucky color: Blue, lucky number: 48.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi na puwedeng patagalin ang dinadalang problema. Kailangan nito ang agarang aksyon. Ang patuloy na pag-iwas ay hindi nakakatulong. Harapin ang anumang dumara­ting nang may determinasyon. Lucky co­lor: O­range, lucky number: 57.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) –Magpasa­lamat sa taong nakagawa ng malaking pabor para sa iyo. Bilanging mabuti ang hawak na pera para hindi magkamali at tiyakin ang pagtataguan para hindi makalimutan. Lucky color: Gold, lucky number: 50.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Hindi sa lahat ng araw ay kailangan mong magpa-advice. Dapat matutong ka rin magdesisyon sa iyong sarili. Huwag matakot sa anumang kahaharapin dahil bahagi ito ng buhay na kailangang pagdaanan. Lucky color: Maroon, lucky number: 9.