Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/13/20

467

Robbie Williams

Kaarawan: Pebrero 13, 1974
Mahusay makipag-usap. Alam nila kung paano papasok sa isang sitwasyon na masalimuot. Madalas na nadadaan nila sa diplomas­ya ang anumang hindi pagkakaunawaan. Masarap silang maging kaibigan dahil sa patas nilang opinyon sa maramign bagay.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas marami kang magagawa kung masaya ang iyong mood gayundin ang paligid. Isan­tabi muna ang dinaramdam na dala lang ng sobrang tension. Pi­liting makaka­tulog kahit saglit para kumalma. Lucky color: Vio­let, lucky number: 23.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kapag may tinanong sa iyo na alanganin kang sagutin, ‘wag ibigay ang buong detalye ng iyong sagot. Hindi mo kailangang i-broadcast sa lahat ang nangyayari sa buhay mo. Lucky color: Maroon, lucky number: 3.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magiging curious sa isang kasamahan dahil sa palitan ng opinyon. Mag-resarch sa Internet para maging maganda ang usapan at hindi ka maubusan ng ideya.kuro-kuro. Lucky color: Blue, lucky number: 12.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Wala sa iyong control ang mangyayari sa araw na ito. Kahit na gustuhin mo kung hindi ito uukol ay hindi mapapasaiyo. Mag-focus may ibang mga bagay na mas importante nakikita ng iyong mga mata. Lucky color: Brown, lucky number: 25.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maraming magiging bagong kaibigan. Kasunod nito ang pagkakaroon ng mga oportunidad. Hindi lahat ay makukuha mo sa iyong karisma. Sa bandang hapon ay unti-unting makakaramdam ng pagod. Lucky color: White, lucky number: 15.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Wala mas­yadong stress sa araw na ito. Maraming magiging oras sa mga kaibigan. Gugulin ang panahon sa masayang kuwentuhan at tsismisan. May mga puzzle na mabubuo sa usapan. Lucky color: Yellow, lucky number: 33.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Oras na para lawakan ang pag-iisip. Hindi sapat na impormasyon lang ang hawak mo. Kumuha ng input sa ibang tao. Hindi lahat ng kaalaman ay nakukuha sa research. Minsan natitisod ito sa simpleng kuwentuhan lang. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mali ang iyong hinala. May nakalimutan kang maliit na detalye. Maiinggit sa isang kaibigan na may love life. Bigyan ng oras ang sarili para makapag-ayos bago humarap sa bisita. Lucky color: Silver, lucky number: 10.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) –Iba ang ginagawa mo sa sinasabi mo. Kamustahin ang mga kaibigan sa malayong lugar. ‘Wag magpatalo sa sobrang lungkot dahil ikaw din ang mahihirapan. Lucky color: Silver, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –May risk para sa nabubuong relasyon sa isang katrabaho. Maaring makaapekto ito sa iyong personal decision. Matutong tumanggi sa mga imbitasyon lalo na kung makakapekto ito sa iyong trabaho.Lucky color: Violet, lucky number: 8.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Masusubukan ang iyong pasensya. Subalit lalabas ang iyong creativity kapag pressured ka. Gamitin ang imahinasyon kung nababagot sa routine. Lucky color: Violet, lucky number: 46.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –Pag-usapan ang hindi pagkakaunawaan. Iwasan ang mga pasakalye. Tumbukin agad ang gustong sabihin. Piliting maging balanse ang trabaho at personal na buhay. Lucky color: Red, lucky number: 45.