Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/13/2019

272

Prince Jackson
Kaarawan:
Pebrero 13, 1997
Masistema sa buhay. Maingat at pinag-aaralan ang bawat galaw kaya’t madalang na magkamali sa mga pinipiling desisyon.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Makikita na ang positibong resulta ng isang pinaghirapan nang matagal na panahon. May magandang sorpresang hatid ang araw na ito. Maraming pera ang darating. Lucky color: Maroon, lucky number: 30.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May oportunidad para sa bagong negosyo. Pag-isipan ito at bigyan ng maraming oras. Siguradu­hing nakalatag ang kailangang pondo para hindi mabitin. Lucky color: Yellow, lucky number: 9.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isang taong malapit sa iyo ang mangangailangan ng iyong tulong. ‘Wag itong pagkaitan kung may maiaabot. Wala itong ibang malalapitan kundi ikaw. Lucky color: Red, lucky number: 49.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mas papaboran ka ngayon sa trabaho. Maraming bagong ideya ang maiisip. Mapapasabak sa aksyon sa mga susunod pang araw. Magpalakas ng katawan. Lucky color: Maroon, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mataas ang iyong energy at marami ang makakapansin sa iyo. Malakas ang hatak ng suwerte sa lugar na madalas puntahan. Sa usapin ng career, kaila­ngang mong mag-level up para makasabay sa bagong henerasyon. Lucky color: Green, lucky number: 8.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May tensyon na namamagitan sa iyo at sa isang kasamahan sa bahay. Huwag ubusin ang oras sa sobrang pag-iisip. Ipokus ang atensyon sa iba pang prayoridad. Lucky color: White, lucky number: 15.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Isang sideline ang magdadagdag sa iyong income. Maraming responsibilidad din ang kasabay nito. Ikaw na lang ang magbalanse ng iyong oras para hindi mapagod. Magiging masagana ang mga susunod na araw. Lucky color: Blue, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang magandang samahan ang mabubuo. Maaaring may kinalaman ito sa bagong romansa o kaya sa bagong negosyo. Huwag bigyan ng dagdag na pressure ang iyong mga mahal sa buhay. Ikaw na lang muna ang mag-shoulder ng mga bagong responsbilidad. Lucky color: Pink, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Sa aspeto ng kalusugan, paborable ang araw na ito at ang mga susunod pa. Huwag masyadong mag-isip ng hindi maganda. Mag-focus sa masayang bahagi ng iyong buhay. Ipakita ang iyong creativity at manatiling propesyunal. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang matagal nang pinapangarap ang magkakaroon ng katuparan. Kaunting push pa at magkakaroon ka na ng dahilan para mag-celeb­rate. Magdasal nang mataimtim. Lucky color: White, lucky number: 16.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung nangangarap kang mag-iba ng career, gawin na ito sa lalong madaling panahon. Asahan ang mas malaking tsansa na magtagumpay. Huwag nang patagalin pa ang pagdedesisyon. Nakikiayon na ang pagkakataon para sa iyong pabor. Lucky color: Gold, lucky number: 44.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May oportunidad na makapagtrabaho sa malayo. Mangangailangan ito ng madalas na pagbibiyahe. Huwag lamang ding kaligtaan ang iyong kalusugan. Maging sensitive sa ipinaparamdam ng isang kasamahan. Lucky color: Orange, lucky number: 7.