Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/14/2020

403

Kris Aquino

Kaarawan: Pebrero 14, 1971

Mahirap makumbinsi sa mga bagay na taliwas sa kanyang paniniwala. Isa siyang maprinsipyo at may isang salita. Mahusay makisama kaya naman marami siyang kaibigan. Tapat kung magmahal kaya asahan ang kanyang katapatan hanggang sa huli.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magiging importante ang mga susunod na araw. May pagkakataon kang isulong pa ang iyong mg goals sa buhay. Dedmahin ang mga taong nagsasabing hindi sapat ang iyong kakayahan. Lucky color: Gold, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Marami ang natatanggap na payo at tila lahat ay nagsasabing alam nila kung ano ang makabubuti para sa iyo. Alala­haning ikaw pa rin ang may hawak ng iyong buhay at ikaw ang higit na nakakaalam kung ano ang nararapat para sa iyo. Lucky color: Pink, lucky number: 34.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Puro saya ang hatid ng araw na ito kaya’t dapat mong i-enjoy ang bawat sandali. Mas marami ring bagong indibid­wal ang lalapit sa iyo para maki­pagkaibigan. Maging open sa bagong mga posibilidad. Lucky color: Red, lucky number: 34.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May pagbabago sa iyong aspetong pinansyal. Madali lamang makakalagpas ang oportunidad kaya kailangan mong maging maagap. Hindi puwede ngayon ang patumpik-tumpik at kailangang aksyon agad. Lucky color: Maroon, lucky number: 7.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Nakikita mo na ang mga positibong resultang inaasam mo. Pero may mga adjustment ka pang kailangang gawin para higit na maging produk­tibo para sa iyo ang mga nangyayari. Lucky color: Blue, lucky number: 45.

Related Posts

CANCER (Hunyo 21-Hul­yo 22) – Hindi ikaw ang sentro sa araw na ito kundi ang iyong pamilya. Maglaan ng maraming oras para sa kanila. Samantalahin ang pagkakataon o ang libreng oras para makapag-bondin­g. Obserbahan ang mga tao sa iyong paligid. Lucky color: Orange, lucky number: 45.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kailangan mong harapin ang isang tao na tulad mo’y determinado rin at masyado ring demanding. Hindi masamang makipagkompromiso para hindi kayo magkabanggaan ng mga interes. Lucky color: Orange, lucky number: 7.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 22) – Lahat ay posible para sa iyo ngayon. Ang mga hindi mo kayang kunin ay hindi sadyang itinadhana para sa iyo. Magpokus na lamang muna sa kung ano ang nasa iyong harapan. Lucky co­lor: Gray, lucky number: 40.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kung may gusto kang mangyari, walang dapat pumigil sa iyo. Pag-aralan mo rin kung ano ang posibleng consequences ng iyong magi­ging aksyon para walang pagsisihan. Lucky color: Yellow, lucky number: 54

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang iniisip mong mangyari ay magiging posibilidad at katotohanan kung ito’y iyong seseryosohin. Hindi uubra ang puro plano at panga­rap lamang kung wala ka namang lakas ng loob para umpisahan ang implementasyon. Lucky color: Brown, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Nasa iyo ang kakayahan para maging malakihan ang resulta ng bawat proyektong iyong sinisimulan. May malaking maitutulong ang ilang importanteng tao sa buhay mo. Lucky color: Violet, lucky number: 8.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May mga pangyayari na wala sa iyong kontrol. Iwasan lamang na mas­yadong maging emosyunal. Mapapatunayan mo rin na sa gitna ng mga kaguluhan, mas lumulutang ang iyong talento na hindi mo dating ikinunsidera. Lucky color: Silver, lucky number; 5.