Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/15/2020

449

James Yap
Kaarawan: Pebrero 15, 1982

Masayahin at madaling makuntento. Mailap nga lang siya sa mga bagay na hindi siya sigurado. Para sa kanya ang mundo ay puno ng mga taong gustong sumaya at nais magpasaya. Mas gusto niyang napapaligiran ng mga magagandang bagay dahil dito siya sumasaya.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Lahat ay nagkakamali kaya ‘wag masyadong sisihin ang sarili. Aminin na lamang na hindi ka perpekto at gumawa ng paraan para makabawi. Lucky color: Brown, lucky number: 6.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi mo kailangang pilitin ang sinuman na ibigay ang gusto mo. Kusa nilang ibibigay ito sa iyo kung paiiralin lamang ang diplomasya. Natural na sa iyo ang maging assertive pero may pagkakataong mas maiging ibigay mo muna ang iyong kooperasyon. Lucky color: Violet, lucky number : 7.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Balikan ang mga ginawa mo sa nakaraan at makikita mong mas maganda pa sana ang nakuha mong resulta kung nagtodo effort ka. Gamitin ito bilang leksyon para mas maging matagumpay sa mga susunod na araw. Lucky color: Yellow, lucky number: 34.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang kaibigan o kapamilya na masayahin ang biglang magbabago ng mood. Meron siyang pinagdaraa­nan at malaki ang maitutulong mo para maibsan ang kanilang alala­hanin. ‘Wag ipagdamot ang iyong tulong. Lucky color: Maroon, lucky number: 3.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isa sa mga tao sa paligid mo ang nag-aakalang kaya ka niyang paikutin. Ipakita mo sa kanyang nagkamali siya ng akala. Kung sa tingin mo ay dapat ka nang dumistansya, gawin ito sa lalong madaling panahon. Lucky color: Red, lucky number: 15.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Pakinggan ang iyong kutob. Pakinggan ang ibinubulong ng iyong puso. Kung hindi gagawin ito, posibleng may pagsisihan ka sa mga darating na araw. Lucky color: Orange, lucky number: 45.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung may kailangan kang pabor kaninuman, sa araw na ito ay madidismaya ka sa matatanggap na katugunan. Ipagpaliban ang planon­g paglapit kung ayaw mong mapahiya. Lucky color: Red, lucky number: 22.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Bago magpanik, pag-aralan munang mabuti ang kinakaharap na sitwasyon. Posibleng nasa isip mo lamang ang lahat at ikaw ang nagpapalaki sa isyu. Makaka­buting dumistansya nang makapag-isip nang husto. Lucky co­lor: Silver, lucky number: 45.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – ‘Wag masyadong mag-worry kung may ilang taong kaila­ngan mong banggain ngayon. Hindi mo maiiwasang gawin ito. ‘Wag ma­ngamba, mare-realize din nila sa dakong huli na tama ang ginawa mo. Lucky color: Pink, lucky number: 5.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mag-umpisa nang maaga dahil nakaabang ang iyong mga kakumpetensya. Mas madali mong matatapos ang dapat gawin at mas makakapagbigay ka ng quality time sa iyong partner at kapamilya. Lucky co­lor: Gray, lucky number:9.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – ‘Wag mangamba. Kung may mga nakakadismayang pangyayari, manalig na ito’y pansamantala lamang. May hatid na sorpresa ang gabi na magpapasayang muli sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mataas ang iyong kumpiyansa ngayon pero hindi ka pa rin komportable. Sa halip na pahirapan ang sarili sa pag-iisip ng mga negatibong pangyayari, ku­malma at enjoy mo lamang ang buhay. Lucky color: Gold, lucky number: 19.