Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/16/2020

454

Elizabeth olsen
Kaarawan:
Pebrero 16, 1989

May malawak na pana­naw sa buhay. Puno ng positivity kapag nagsalita kaya naman marami ang hanga sa kanya. Mapagmahal sa pamilya­ kaya naman ito ang pinagbubuhusan niya ng oras at inspirasyon.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Nasa mood ka ngayon para makipaghalubilo sa maraming tao pero ‘wag sobrahan. Hindi lahat ng humihingi sa iyo ng pabor ay kaila­ngan mong pagbigyan. Iwasan ding pagurin ang sarili. Lucky color: Orange, lucky number: 22.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Iwasang maging masyadong possessive. May mga bagay at pangyayari o kaya’y mga tao na kailangan mong i-share sa iba. ‘Wag mong angkinin ang mga kaibigan mo upang hindi sila masakal sa iyo. Lucky color: Black, lucky number: 50.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kailangan mo ring tingnan kung ano ang mga nagawa mo. Balikan ang mga nangyari sa nagdaang ilang araw. Marami kang matututunan at magagamit ito sa mga susunod pang araw. Lucky color: Red, lucky number: 7.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Masyadong maigsi ang buhay para magpokus sa iniisip ng mga tao sa iyo. Gawin ang nais mo nang hindi nag-iisip ng reaksyon ng iba. Magpakatotoo sa sarili. Lucky color: Gray, lucky number: 56.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May malaking hamon na nagmumula sa isang taong itinuturing kang karibal. Ayaw mo mang makipagkumpitensya pero wala kang ibang opsyon kundi ang sumabay. Lucky color: Maroon, lucky number: 6.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May mga pagbabagong hindi mo mapipigilan. ‘Wag itong katakutan. May paraan para harapin ang lahat. Alalahanin ang takot ang unang magpapabagal sa iyo. Lucky color: Silver, lucky number: 43.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang kaibigan ang may inililihim at ito’y dahil natatakot siyang hindi mo maingatan ang kanyang sikreto. Unawain na lamang siya at huwag nang ikasama ng loob. Hayaang maging pribado ang ilang impormasyon. Lucky ­color: Brown, lucky number: 30.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Pinapaboran ngayon ang anumang partnership at pakikipag­relasyon. Hindi naman paborable maging sobrang demanding. Kailangan ngayon ang pakikipagkompromiso. Lucky color: Violet, lucky number: 17.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May matinding pressure nga­yon. Pero ito rin ang magbibigay sa iyo ng lakas at inspirasyon para lalong tumutok at magbuhos ng iyong siyen­to por siyentong effort. Lucky color: White, lucky number: 19.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Wala ka nang maidadahilan pa ngayon. Gawin ang dapat gawin at umasang malulusutan ang lahat ng hamon. Seryosong effort ang kailangan. Lucky color: Yellow, lucky number: 38.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Magandang araw ito para sa iyo. Alam mo kung ano ang gusto mong gawin at kung paano ito gawin. Mahirap kang pigilan sa mga plano mo ngayon. Lucky color: Blue, lucky number: 19.

CAPRICORN (Disyembre 22-­Enero 19) – May bahagyang paghina ng energy at pansamantalang pagkalungkot. Hindi ito dapat ikabahala, magbabalik sa normal ang lahat sa mga susunod na araw. Lumabas at magpaaraw. Lucky color: Gold, lucky number: 10.