Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/17/2020

442

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi mo kailangang isisi sa ibang tao kung natatambakan ka na ng trabaho. Sa halip na maghanap ng sisisihin, kumilos na lamang nang matapos ang mga dapat gawin. Lucky color: Orange, lucky number: 45.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Sapat ang iyong energy para gawin ang dapat gawin. Hindi mo kailangan ang tulong ng iba. ‘Wag nang hintayin ang mga pangako ng iba. Lucky color: Gold, lucky number: 40.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isangguni sa isang pinagtitiwalaang kaibigan ang isang ideya mo na walang makuhang suporta mula sa mga kinauukulan. May maitutulong siya para makaisip ka ng ilang adjustments. Lucky color: Gray, lucky number: 23.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May mga pagkaantala na maaaring maganap. Iwasang magbigay ng anumang commitment. Malabo kang makatupad sa anumang ipapangako ngayon. Lucky color: Blue, lucky number: 45.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Tiyaking hindi pa nalilihis ang iyong mga prayoridad. Pagkakataon mo na para pag-aralan ang mga nangyayari. Iwas muna sa anumang distraksyon. Lucky color: Brown, lucky ­number: 45.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May isyung kailangang maresolba sa pagitan mo at ng isang kaibigan o posibleng kapamilya. Ikonsidera ang pagpapatawad para ganap na maka-move on. Lucky color: Yellow, lucky number: 56.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mara­ming pagbabago kaya naman kinakabahan ka sa mga kailangan mong gawin. Tandaan lamang na habang dumarami ang hamon, lalo kang lu­malakas. Lucky color: White, lucky number: 5.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi na bago ang hamon na inilalapit sa iyo ngayon. Napagdaanan mo na ito sa nakaraan kaya parehong estratehiya lamang ang kaila­ngan para malagpasan ito. Lucky color: Green, lucky number: 40.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Isang gawain o isang proyekto na matagal nang atrasado ang magiging sentro ng iyong atensyon. Kailangan na itong matapos. Walang oras na dapat sayangin. Lucky color: Pink, lucky number: 6.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –Ang mga pagbabagong nagaganap ang magiging daan para gumaan ang iyong pakiramdam. Malaking tinik ang mabubunot kaya maaari ka nang makapagrelaks. Lucky color: Red, lucky number: 29.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-­Disyembre 21) – Tingnan ang isang lumang problema sa bagong perspektiba. Maaaring mali lamang ang ginagamit mong estratehiya kaya hindi ka makalagpas. Magtiwala sa sarili. Lucky color: Silver, lucky number: 18.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sikaping pakisamahan ang lahat ng taong nakakasalamuha. Sa mga darating na araw, papabor na sa iyo ang mga pangyayari. Kaya kalma lamang at stay positive. Lucky color: Gold, lucky number: 17.