Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/18/2020

590

Bernadette Sembrano

Kaarawan:
Pebrero 18, 1976

Madaling mataranta kapag mara­ming nakaatang na responsibilidad. Pero gagawin niya ang ­lahat para magawa ito nang buong ­husay. Hindi mareklamo ­kahit na pagod. Para sa kanya, mas masaya ang buhay kapag la­ging nakangiti.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Pinapaboran ngayon ang love life ng mga single at naghahanap pa lamang ng magiging partner. Hindi masamang maunang ipakita ang iyong interes sa isang special someone. Maging mapili sa bagong kakaibiganin. Lucky color: Brown, lucky number: 45.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Pakiramdam mo ay kaya mong abutin ang lahat. Samantalahin ang mataas na enerhiya para matapos ang mga naumpisahan. Maraming hatid na good vibes ang masayahing personalidad. Lucky color: Pink, lucky number: 2.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang bagong kakilala ang magiging daan para magkaroon ka ng dagdag na sigla. Kung naghahanap ka pa ng mamahalin, ngayon ang tamang pagkakataon. ‘Wag nang pakawalan ang oportunidad sa isang magandang trabaho. Lucky color: Violet, lucky number: 34.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang bagong romansa o namumuong romansa ang may poten­syal na maging pangmatagalan. Sa aspeto ng career, nakikita ng lahat kung sino ka ayon sa mga ginagawa mo. Hindi kailangang magpa-­impress dahil lilitaw ang iyong husay sa trabaho. Lucky color: Yellow, lucky number: 9.

Related Posts

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mae-enjoy mo ang araw na ito dahil sa maraming aktibidad. Matatanggap ang pagkilalang hinahanap mo. Higit sa lahat, may mabubuksang oportunidad at hindi ito puwedeng saya­ngin. Lucky color: Red, lucky number: 4.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magkakaroon ng malaking impact sa aspeto ng iyong pana­nalapi ang desisyon ng isang taong malapit sa puso mo. May oras pang matitira para sa romansa, ‘wag itong saya­ngin. Magligpit ng mga kalat sa bahay para lumuwag ang isip. Lucky color: White, lucky number: 12.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Harapin ngayon ang anumang paghamon sa bagong negosyo. Bahagi lang ito ng kaunting pagbabago. Pa­kinggan ang opinyon ng ibang mga kasama. Ang hapon hanggang gabi ay magbibigay ng pagkakataon para sa isang namumuong romansa. Lucky color: Red, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Malakas ang iyong kutob at hindi ito dapat bale­walain. Kilalanin nang husto ang isang nagpapakilalang bagong kaibi­gan at alamin kung ano ang kanyang tunay na motibo. Lucky color: Blue, lucky number: 48.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Magandang pagkakataon ang hatid ng araw na ito para maipabatid sa lahat ang iyong ideya. Mas makukuha rin ang koope­rasyon ng nakararami. May matatanggap na malaking halaga. ‘Wag itong ubusin sa isang iglap lang. Magtabi kahit kaunti. Lucky color: Green, lucky number: 55.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mas matalas ngayon ang iyong dila at ­meron kang puwedeng masaktan kung hindi mag-­iingat. Alala­haning puwedeng maka­tulong sa iyo ang sinuman kaya umiwas na magkaroon ng kaaway. Lucky ­color: White, lucky ­number: 36.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Mas makulay ngayon ang iyong love life habang ang mga single ay posibleng may makila­lang interesting na indi­biduwal at handa nang pumasok sa isang magandang relasyon. ‘Wag pilitin ang sarili kung gusto mong matulog pa. Makakaramdam ng katamaran sa umaga pero magiging active ulit sa gabi. Lucky color: Pink, lucky ­number: 22.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Dagdag-inspirasyon ang ginagawa ng isang kapa­milya. Nakikita mo kung paano niya ibinubuhos ang kanyang pagmamahal sa iyo. Makikilala mo ngayon ang taong tunay na nagmamahal at nagpapaha­laga sa iyo. Lucky number for today: 7.