Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/19/2020

466

Empress Schuck
Kaarawan: Pebrero 19, 1993

Magaang siyang kasama na parang kapatid at kapamilya. Pero sa kabila nito ay may malalim na persona na nakakatakot kapag nagagalit. Kapag nagamay mo na ang kanyang pagkatao, isa ka sa masuwerteng nila-lang na may isang totoong kaibigan.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May panalo at may talo. Pero du’n sa pagkatalo ka hi­git na magwawagi dahil doon mo makukuha ang mga leksyon na magagamit sa malayo pang hinaharap. Magpakatatag dahil marami ang sumusuporta sa iyong likuran. Lucky color: Pink, lucky number: 39.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang tao ang tila tuwang-tuwa kapag ikaw ay galit. Kung papatulan mo ang taong ito, maaaring mawala sa kontrol ang sitwasyon. Ikaw lamang ang mata­talo sa sitwasyon kaya dedma ang pinakamainam gawin. Lucky color: ­Orange, lucky number: 5.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May tiwala ka sa iyong abilidad pero ilang kasamahan mo ang kailangan pang makumbinsi. Malalagay sa pagsubok ang iyong kakayahan at importanteng manatiling kalmado para maipakita mo ang iyong galing. Iwasang magpa­nik kahit natatakot. Lucky color: Black, lucky number: 14.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi maiiwasan na masaktan ang iba sa iyong mga opinyon. May paraan para iparating ito nang hindi masyadong nakaka-offend. Pairalin ang diplomasya lalo na sa malalapit na mga kaibigan. Lucky color: Red, lucky number: 56.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magi­ging malaking isyu ang pera sa araw na ito. Maaari itong pagmulan ng mainitang mga diskusyon. Kontrolin muna ang kagustuhang gumastos at pakinggan ang opinyon ng mga taong nagmamalasakit lamang sa iyo. Lucky color: ­Silver, lucky number: 30.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Iwasang magpaapekto sa mga negatibong komentong naririnig sa paligid. Hindi ka nga perpekto at nakagawa ka ng ilang pagkakamali pero laging may pagkakataong maka­bawi. Ituloy ang magandang ginagawa para sa sarili. Lucky color: Gray, lucky number: 34.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi lang ikaw ang may karapatang mag-enjoy kaya ‘wag ipagkait sa iyong partner ang ilang oportunidad na makapagsaya. Ilagay sa lugar ang paghihigpit. Piliting matupad ang isang pangako para hindi mapagalitan. Lucky ­color: Gold, lucky ­number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi masamang umaktong diktador paminsan-minsan lalo na kung nakikita mong nawawala na sa kontrol ang mga tao sa paligid mo. Sa pagkaka­taong ito, mas ma-appreciate nila ang isang taong marunong magpasunod. Piliting mag-chill para mabawasan ang ner­bsyos. Lucky color: Silver, lucky number: 22.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang impormasyon mula sa kaibi­gan ang maghahatid sa iyo ng sakit ng ulo. Tumi­gil muna sandali para makapag-isip. Makabu­buting makinig nang husto dahil may mga paalala na dapat isaisip. Lucky color: Blue, lucky ­number: 59.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Iwasang makipagdiskusyon sa ­taong tila sinasadya kang inisin. Hindi sapat ang effort na ibubuhos mo sa pakikipagdebate lalo na kung hindi naman deserving ang taong kaharap mo. Lucky color: Violet, lucky number: 11.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) — May isang ­taong malapit sa iyo ang gusto kang sirain. Kilala mo ito at nararamdaman mo ang masama niyang balak. Ngayon pa lang ay lumayo na para hindi mabiktima. Lucky color: Violet, lucky number: 50.

AQUARIUS (Ene­ro 20-Pebrero 18) – Konting push pa at makukuha mo na ang tinatarget mo hindi lamang sa iyong pribadong buhay kundi pati sa iyong career. ‘Wag kalimutang magdasal at magpasalamat. Mas unahin ang pagtulong sa iyong mga mahal sa buhay kahit gaano ka ka-busy. Lucky color: Violet, lucky number: 22.