Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/20/2020

521

Rihanna
Kaarawan: Pebrero 20, 1988

May malawak na kaisipan sa mga bagay na may kinalaman sa negosyo. ­Nandito ang kanyang interes kaya’t marami siyang alam. Lahat sa kanya ay may katwiran. Ayaw niya ng negatibo dahil para sa kanya, lahat ay pantay sa oportunidad. Hindi niya palalampasin ang anumang pagkakamali na nangyayari sa kanyang paligid.

PISCES (Pebrero 19-­Marso 20) – May tsansa ngayon na gumaang ang mabigat na pakiramdam. May kinalaman ito sa mga tao sa iyong paligid. Kailangan mo ang suporta ng nakararami kaya iwasang mapasobra lalo na kung may kinalaman sa emosyon. Lucky color: Blue, lucky ­number: 5.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Sa araw na ito, wala ka sa mood na humarap sa mga tao at may pananamlay. ‘Wag pilitin ang sarili kung gustong mapag-isa. May mga kailangang harapin na problema kaya nakakaramdam ng kaba. Lucky color: Gray, lucky number: 5.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang magandang araw na ito para pag-­aralan kung tama ang tinatahak mong direksyon sa buhay. Hindi masamang pag-aralan kung hindi ka nalalayo sa orihinal mong plano. Pag-isipang mabuti ang mga gagawing hakbang. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi masamang ikonsidera ang pagbiyahe. Magpapalawak ito sa iyong koneksyon. Bantayan din ang iyong kalusugan. ‘Wag sagarin ang katawan sa trabaho. Lucky color: Maroon, lucky number: 19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Makakaagaw ng iyong atensyon ang isang indibidwal na masasabing opposite mo sa lahat ng aspeto. Kahit hindi siya ang ideal person mo, mahirap namang balewalain ang nararamdamang atraksyon. Lucky color: White, lucky number: 56.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung nahihirapan ka sa isang trabaho, aminin ito. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo kung wala naman dito ang iyong interes. Lunukin na muna ang pride at magsabi ng totoo. Lucky color: Violet, lucky number: 3.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mas makulay ngayon ang mundo mo. Ito’y dahil sa taong nanatiling lo­yal at buo ang suporta sa iyo. Sa kanya ka kumukuha ng inspirasyon at ramdam na ramdam mo ito ngayon. Ma­ging masaya ang buong araw. Lucky color: ­Orange, lucky number: 14.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mataas ngayon ang iyong emosyon. Ang isang damdamin na matagal mo nang pinipigil ay posibleng mawala sa iyong kontrol. Habang may ganitong mood, hindi masamang dumistansya muna sa karamihan. Lucky color: Gold, lucky number: 43,

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May excitement na parating. Magtatagumpay ka sa isinusulong mong ito lalo na kung hahayaan mong ­tulungan ka ng mga taong tapat sa iyo. ‘Wag masyadong tamang duda sa mga bagong kasamahan sa trabaho. Lucky color: Brown, lucky number: 9.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May isyu sa pamilya na kailangan mong harapin. Posibleng may mga masaktan pero bahagi lang ito ng katotohanan. Lucky color: Red, lucky number: 10.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May sorpresang hatid ang araw na ito galing sa malayong lugar. Mahihirapan kang pigilin ang takbo ng mga pangyayari dahil ito ang nakatakda. Walang ibang opsyon kundi makiayon muna sa mga nagaganap. Lucky color: Silver, lucky number: 8.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas makabubuting maghintay ng isa o dalawang araw para gumawa ng bagong mga plano. Umiwas muna sa mga aktibidad na makakapagod sa iyo. Mas mababa ngayon ang iyong enerhiya kumpara sa mga nakaraang araw. Lucky color: Gold, lucky number: 40.