Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/21/2020

585

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mas makabubuti nga­yon ang pag-iwas sa mara­ming tao. Makabubuting mapag-isa dahil ang ingay at anumang distraksyon ay makaka-stress lamang sa iyo. Iwasan din munang gumawa ng anumang pagbabago para hindi ka masyadong ma­bigla. Lucky color: Brown, lucky number: 33.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ibigay ang araw na ito para sa mga taong malapit sa puso mo para mas madali kang marelaks at makapag-enjoy. Anumang pressure na naranasan ay tapos na. Mas madali para sa iyo ngayon ang makabuo ng mga bagong plano. Lucky color: Maroon, lucky number: 4.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maraming hindi inaasahang pangyayari. Bagama’t nagdudulot ito ng aberya sa iyong schedule, nagbibigay naman ito ng saya sa puso mo. Bagong inspirasyon ang hatid kung pagbibigyan ang isang imbitasyon. Lucky color: Blue, lucky number: 9.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Nasa mood ka ngayong na makisaya sa mga kaibigan. Magbubukas ito ng pagkakataon para mapalawak ang iyong mga koneksyon. May oportunidad din ngayon para ma-improve ang takbo ng iyong lovelife. Lucky color: Violet, lucky number: 9.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ‘Wag mapikon sa mga sinasabi laban sa iyo. May isang tao ang sikretong galit sa iyo. Pilit ka niyang sinisira pero hindi siya magtatagumpay. May bagong atraksyon na posibleng mangyari sa isang malapit na tao. Nasa iyo ang desisyon kung sasamantalahin ang pagkakataon. Lucky color: White, lucky number: 48.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Nasa aspeto pa rin ng trabaho ang iyong atensyon kaya posibleng nakakaligtaan mo nang may mga taong naghihintay na ma­bigyan mo ng oras. Iwan muna ang mga seryosong usapin. Pamilya muna bago ang ibang bagay. Lucky color: Gold, lucky number: 28.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Madami kang expectations pero hindi ito mangyayari kung kulang ka sa diskarte. Gamitin ang iyong mga talento at isalin sa aksyon ang mga ide­yang nasa isip. Simulan mo nga ngayon ang mga mga gusto mong gawin. Lucky color: Yellow, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ang mga nagawang pagkakamali ay dala lamang ng pagod. Sa araw na ito, ipahinga muna ang isip at katawan. Mas lulutang ang husay kung magbabawas ng stress. Piliting kumalma lalo na sa gabi. Lucky color: Greem, lucky number: 43.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Rebisahin ang mga nangyayari sa iyong buhay. Hindi masamang mapag-isa para makapag-isip ng mga susunod na hakbang. Kung may kailangang baguhin, gawin ito sa sandaling mailatag ang mga plano. Lucky color: Gray, lucky number: 22.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Mabilis lang ang oras. May kailangan kang tapusin bago ikonsidera ang pagsasaya. Wag iwanang nakabitin ang isang obligasyon. Timbaging ang dalawang na parehong mahalaga sa iyo. Isa lang ang dapat na piliin. Lucky color: Red, lucky number: 56.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Mas may tiwala ka sa sarili ngayong araw na ito at mas positibo rin ang iyong pananaw sa buhay. Makakatulong ang sapat na pahinga. Mara­ming ideyang lalabas kung walang masyadong iniisip. May sorpresang hatid ang iyong pamilya. Lucky color: Violet, lucky number: 45.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Pinapaboran ngayon ang iyong mga plano. May positibong hatid ang araw na ito na magpapasaya sa iyo. Posibleng isang bagong romansa ito para sa mga naghahanap pa lamang ng bagong mamahalin. Lucky color: Pink, lucky number: 32.