Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/22/2020

315

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May oras para bumitaw o mag-let go sa anumang pabigat na lamang sa iyo. Kung ang isang relasyon, pang-love life o pagkakaibigan lamang, ay nagpapahirap na sa iyong kalooban, umpisahan na ang pagdistansya. ‘Wag hayaang maubos ang iyong lakas dahil sa pag-aalala. Lucky color: Black, lucky number: 33.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May pagtatapos at meron ding mabubuksang pagsisimula. Walang dapat aksayahing panahon. Labanan ang pagkalungkot dahil magkakasabay lamang halos ang pagbubukas ng oportunidad para gawin ito. Lucky color: Green, lucky number: 9.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Sa pagkakataong ito, pairalin ang isip bago ang puso. Minsan ay kailangan lamang maging matatag para sa ikabubuti ng lahat. Iwasan ding pairalin ang awa lalo na sa mga isyung may kinalaman sa pamilya. Lucky color: White, lucky number: 27.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kailangan mong ipakita ang tunay mong emosyon pagdating sa iyong love life. Big­yan din ng panahon ang partner mo para makapagdesisyon. Sa harap ng mga hamon, sarili mo pa rin ang tunay mong maaasahan bago ang ibang tao. Lucky color: Orange, lucky number: 2.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Nasa paligid mo lamang ang mga taong nakakapagpasaya sa iyo at alam mong masasandalan mo sa panahon ng panga­ngailangan. May rason para mag-celebrate upang maipakita ang pagpapahalaga mo sa mga taong ito. Lucky color: Blue, lucky number: 45.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung ano ang ipinapasok mo sa isang relasyon, iyon din ang aanihin mong tugon. Kung nais mo ng makulay at magandang samahan, ibigay ang espesyal na atensyon na hinahanap ng partner mo. Maging consistent. Lucky color: Brown, lucky number: 6.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magrelaks at mag-enjoy. May oras para ma­ging seryoso pero sa araw na ito, isantabi muna ang mga seryosong usapin. Hindi rin masamang makiayon muna sa mga pangyayari at saka na magreklamo. Lucky color: Maroon, lucky number: 4.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Gamitin ang araw na ito para makapagpahinga kasama ang mga mahal sa buhay. Irelaks ang isip dahil kailangan mo ng enerhiya sa susunod na araw. May bagong oportunidad sa ibang lugar. Lucky color: Red, lucky number: 44.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi puwedeng mag-expect ka sa ibang tao nang wala ka namang ibinibigay. Dagdagan pa ang effort lalo na pagdating sa aspeto ng trabaho. Gawing romantiko ang araw na ito para sa iyong mahal. Lucky color: Yellow, lucky number: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Pinapaboran ang araw na ito para sa aspeto ng iyong love life. Kung may plano ang iyong mahal, makiayon muna at mag-enjoy sa mga susunod na pangyayari. Deserve mong ikaw ang maging center of attention. Lucky color: Blue, lucky number: 59.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Lumabas at mag-enjoy. Kailangan mo ng sikat ng araw. Commune with nature dahil ito ang therapy na hanap ng iyong katawan. Ang mga susunod na araw ay magi­ging mapanghamon kaya samantalahin ang libreng oras para makapagpahinga. Lucky color: Silver, lucky number: 7.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Iwasang makipagsapalaran ngayon. May malaking pagkakaiba ang pagtitiwala at pagiging ignorante. Maging segurista sa lahat ng aspeto. Iwasan ding pumasok sa isang kasunduan na hindi mo naiintindihan. Lucky color: White, lucky number: 30.