Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/23/2019

284

Dakota Fanning
(American actress)
Kaarawan:
Pebrero 23, 1994
Masayahin at magaang kasama ang mga babaeng Pisces. Madali silang pakisamahan dahil sa kanilang mabuting kalooban. Isa silang tunay na kaibigan na hindi nang-iiwan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) — May magandang ideya na magiging daan para magtagumpay sa negosyo. Mas makatutulong din kung mag-isa ka munang kikilos. Mas focus kung walang magulo at obstruction sa ginagawa. Lucky color: Maroon, lucky number: 33.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) — Hindi lahat ng araw ay masaya. Huwag mainggit kung nakakaungos ang ibang kasama. ‘Wag sukuan ang unang pagsubok sa iyong relasyon. Ipaglaban ang pagmamahal. Lucky color: Yellow, lucky number: 21.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) — Huwag basta manahimik kung may nakikitang kang mali na ginagawa. Sabihin ito sa kinauukulan para sa na rin sa iyong katahimikan. Malaki ang maibibigay mong kontribusyon para sa pagbabago. Lucky color: Gray, lucky number: 10.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) — Matu­tuwa sa malaking improvement sa kasuyo. Simula na ito nang isang smooth sailing na relasyon. Gayunpaman, hindi ito rason para ikaw na ang magpatakbo ng buhay ninyo. Bigyan ng chance ang ka-partner na dumiskarte sa buhay.Lucky color: Red, lucky number; 5.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) — May kaun­ting tampuhan sa samahan. Hayaan lang ito at palipasin. Isang dating kasamahan ang biglang magpaparamdaman. Kung may nararamdaman ka rin ay mabuting sabihin agad ito sa kanya. Huwag sayangin ang masasayang oras. Lucky color: Violet, lucky number: 43.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) — Mag­pokus sa iyong obligasyon. Hindi mo na maaaring takasan ang bagong responsiblidad. Kung ayaw mong makarinig ng hindi magandang salita ay mas mabuting magpakatino na sa iyong buhay. Lucky color: Green, lucky number: 14.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) — Maraming maliliit na bagay na kailangang big­yan ng pansin. Lumayo muna sa anumang usa­pin na may kinalaman sa pera. Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ito dahil lalo lamang lalaki ang isyu. Manahimik ka muna. Lucky color: Gray, lucky number: 3.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) — Kung hindi umubra ang unang try sa isang bagay na gustong gawin, huwag agad sumuko. Marami pang oportunidad sa mga susunod na araw. Hindi ito ang pagkakataon para unahin ang pride. Dagdag pa ang effort para sa tagumpay. Lucky color: Blue, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) — Maging mas supportive sa kasuyo. Unahin ang pakikinig bago ang pagsasalita. Mas magiging maayos ang pagsasama kung bukas ang komunikasyon. Lucky color: Pink, lucky number: 16.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) — Mistulang isang malaking biro ang mga nangyari. Sa halip na magseryoso, mas mabuting idaan na lang sa biro ang sasabihin. Makakatulong din kung magiging mas honest ka sa nararamdaman. Lucky color: White, lucky number: 8.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) — Magtiwala na magbubunga ng maganda ang pagsasakripisyo mo. Bigyan ng pansin ang kalusugan. Matagal mo na itong napabayaan kaya ngayon ka na sinisingil. Lucky color: Violet, lucky number: 30.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) — Huwag matakot kung may pagtutol. Iwasan lamang na pagbuntunan ng bugso ng emosyon ang iyong partner. Mahirap bawiin ang masasakit na salita kaya’t mas mabuting umalis pansamantala para magpalamig. Lucky color: Gold, lucky number: 50.