Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/23/2020

502

Dakota Fanning
Kaarawan:
Pebrero 23, 1994

May sariling mundo at minsan mahirap silang maintindihan. Sa kabila nito, isa sila sa maaasahan mo sakaling kaila­nganin ang biglaang tulong. Tikom ang kanilang bibig sa mga sikretong pinangangalagaan.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Iwasang maging masyadong seryoso sa mga gawain ngayon. ‘Wag mo ring masyadong i-stress ang sarili mo. Mas marami kang magagawa kung relaks lamang ang approach mo sa lahat ng bagay. Lucky color: White, lucky number: 9.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mag-ingat sa mga sinasabi mo dahil baka mabigyan ng ibang kahulugan ang pagtulong mo. Hindi nila matatanggap ang anumang kritisismo mula sa iyo. Dagdagan ang pagtitimpi. Lucky color: Maroon, lucky number: 45.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maaari kang maging mas mapangahas ngayon dahil taglay mo ang lakas ng loob. Mas gusto mo rin ang pagsasaya kaysa seryosong trabaho. Hindi naman masamang pagbigyan ang sarili ngayong­ weekend. Lucky color: White, lucky number: 9.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi mo kailangang pasayahin ang isang taong laging nagpapahirap sa iyo. Lalo mo lamang siyang ie-encourage na maliitin ka sa lahat ng pagkakataon.­ Iwasan na lamang magpakita ng anumang reaksyon at umiwas sa gulo. Lucky color: Violet, lucky number: 9.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isang kasamahan sa trabaho ang kokontra sa mga plano mo. Maaring hindi maiwasan ang pikunan. Wala kang dapat ipag-alala, magkakaayos din kayo at babalik ang dating magandang samahan. Lucky color: Blue, lucky number: 44

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mahirap para sa iyo ang magdesisyon ngayon. Hindi lahat ng natatanggap mo ay nagpapasaya sa iyo. Iba pa rin ang tunay na sinasabi ng puso mo. Lucky color: Red, lucky number: 49.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kung may duda ka, sarilinin muna ito. Hindi makatutulong na magsalita ka agad kung wala ka namang hawak na pruweba. Pansamantala, manatiling nagmamasid. Lucky color: Yellow, lucky number: 56.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May nararamdaman kang galit sa isang tao na lagi mong kasama. May dating alitan na hindi pa natatapos. Mas mabuting ikaw na ang maunang makipag-usap para magkaayos. Gagawa ka lamang ng panibagong komplikasyon. Lucky color: Blue, lucky number: 15

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang lahat ng sobra ay masama. Posibleng nakakaligtaan mo na ang iyong kalusugan sa gitna ng mga kaabalahan. Bigyan ng pahinga ang sarili kung ayaw mong magkasakit. Lucky color: Orange, lucky number: 46.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Iwasang maliitin ang pananaw ng sinuman. Respetuhin ang bawat opinyon. Alalahaning hindi exclusive sa iyo ang mg magagandang ideya. Sa pagkakataong ito, wag kaligtaan ang isaang importanteng araw. Lucky color: Silver, lucky number: 25.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Kailangan mong ma-realize na hindi mo kayang ipagsiksikan sa loob lamang ng maghapon ang lahat ng plano mo. Malamang na mauuwi lamang ito sa aberya. Makabubuting­ maghinay-hinay ngayon para mas marami kang magawa. Lucky color: Gray, lucky number: 5.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kailangang maging alerto dahil isa sa mga kasama mo sa trabaho ang maaari mong makabangga ngayon. Ang isang taong paulit-ulit na nagsasabing pagtiwalaan mo siya ay posibleng hindi dapat pagtiwalaan agad. Lakasan ang pakiramdam. Lucky color: Brown, lucky number: 33.