Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/24/2020

493

Floyd Mayweather

Kaarawan:
Pebrero 24, 1977

Hindi sila ­basta-basta naglalabas ng ­kanilang ­saloobin sa mga tao. ­Kailangan ­nilang ­maramdam na ­ligtas ang ­kanilang mga ­sikreto sa taong kanilang pagkakatiwalaan. Hindi siya nag­ha­hanap ng maraming ­kai­bigan dahil mas importante sa kanya ang mga tao na tunay niyang maasahan.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mahirap makipag-usap ngayon lalo na sa mga kapamilya at sa espesyal na tao sa buhay mo. Hindi lahat ay umaayon sa plano mo kaya iwasang ­makipagtalo. ­Magiging maayos ang lahat sa mga susunod na araw. Lucky color: Gray, lucky number 43.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Iwasan na ang attitude na ­inaayawan mo sa ibang tao pero ­nagagawa mo na pala sa iba. Bawas-bawasan ang pagiging seryoso para mas gumaaan din ang pagtingin sa iyo ng mga tao sa ­paligid mo. Chill ka lang para ­hindi layuan ng mga kaibigan Lucky color: Red, lucky number: 34.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang obligasyon ang ­nakakasagabal sa mga personal na plano. Hindi masamang unahin ang pagsasaya, deserve mo pa rin ang makapag­relaks kung weekend. Lucky color: Yellow, lucky number: 56.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – ­Mahirap itago ang nararamdaman lalo na kung ang inspira­syon ay sa puso mismo nagmumula. ­Importanteng maging totoo ka sa ­nararamdaman mo kahit ­anuman ang sabihin ng iba. Lucky color: White, lucky number: 5.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ‘Wag sumuko kahit ­pakiramdam mo ay mauuwi sa wala ang isang magandang ideya o mga plano. ­Pansamantala lamang ang aberya. Isang kapamilya ang magiging susi para ­magtuloy-tuloy ang iyong tagumpay. Lucky color: Green, lucky number:13

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang aksyon ng iyong mahal ang magdudulot sa iyo ng kalituhan. Sa halip na mana­tiling nanghuhula, kausa­pin siya at alamin kung ano ang kanyang saloobin. Ang lahat ay nadadaan sa maa­yos na usapan. Lucky color: Maroon, lucky number: 34.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kung dati ay nagagawa mo pang umiwas sa isang gawain na mabigat sa ­kalooban mo, ­ngayon ay wala ka nang ibang ­opsyon. Sa halip na ­magmatigas, tanggapin ito bilang ­hamon sa iyong kakayahan. ­Mapapatunayan mong wala kang dapat ikatakot. Lucky color: Silver, lucky number: 31.

LIBRA (­Setyembre 23-Oktubre 22) – Meron kang goal na pinaprayoridad pero iwasang mapokus na ­lamang dito at ­maisantabi ang ­lahat ng iyong mga plano. ­Kailangan mong ­maging flexible para ­hindi ka malagpasan ng mga ­oportunidad. Lucky color: Blue, lucky number: 23.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mas mahirap para sa iyo ngayon ang maging ­tapat sa iyong ­nararamdaman. Hindi malayong ito ang pagmulan ng isyu sa iyong lovelife. ­Makatutulong kung magiging mas ­positibo ang iyong ­pananaw. Lucky color: Gray, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Maraming potensyal sa paligid. Pero hindi mo ito makukuha kung magmamasid ka lamang. Kailangan mong umak­syon. May pagkakataong kailangan mong maging mas matapang at mas mapangahas. Lucky color: Orange, lucky number: 30.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Maaari kang malagay sa posisyon kung saan kailangan mong magbitaw ng mabigat na desisyon kahit hindi ka komportableng gawin ito. Magtiwala sa nararamdaman at hindi ka malilihis ng direksyon. Lucky color: Violet, lucky number: 1.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – ‘Wag payagan ang ibang tao na diktahan ka sa bawat ­ginagawa mo. Ipaglaban ang mga opinyon mo lalo na kung kumbinsido kang nasa tamang direksyon ka. Lucky color: White, lucky number: 7.