Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/26/2020

758

Mikee Cojuangco-Jaworski
Kaarawan: Pebrero 26, 1974

Bihira lang silang magsa­lita pero kapag ibinuka na nila ang kanilang bibig ay marami ang nagugulat. Mahilig silang mag-observe sa paligid at sa taong nakakasa­lamuha. Dito niya ibinabase ang gagawing pakikitungo sa mga tao.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Hindi ito ang tamang panahon para magbiyahe ng malayo. Bago ka umalis ay may mga mahahalagang bagay ka munang dapat ayusin. Mahirap bumiyahe na may mabigat sa dibdib. Lucky color: White, lucky number: 15.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hindi ka mananahimik sa mga salitang maririnig mo. Alam mo na wala itong katotohanan. Pero sa ngayon ay mas mabuting manahimik muna. Mahirap madamay sa malaking away. Lucky color: White, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mangyayari na rin ang pinakahihintay mo. Ang dati mong sipag sa trabaho ngayon ay madaragdagan pa. Gayunman, magugustuhan mo ang malaking sorpresa na lulutas sa iyong mga problemang pinansyal. Lucky color: Orange, lucky number: 6.

GEMINI (Mayo 21-­Hunyo 20) – Ikakagulat mo ang muling pagpaparamdam ng iyong ex. Sa kabila ng sakit na ipinaramdam niya sa’yo noon ay may tila natitira ka pang damdamin. Pag-isipang mabuti ang ibinubulong ng iyong puso. Lucky color: Gray, lucky number: 37.

CANCER (Hunyo 21-­Hulyo 22) – Isang ­masayang pakikipag-bonding sa mga kaibigan ang magaganap. Sa pagsa­sama-samang ito ay marami kang matutuklasan na hindi mo pa alam tungkol sa kanila. Sa puntong ito ay magbabago ang iyong pakikitungo. Hindi lahat ng samahan ay may forever. Lucky color: Red, lucky number: 29.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang malapit na kaibigan mo ang nakatakdang magtraydor sa’yo sa paraang hindi rin niya gusto. Maiipit lamang siya sa sitwasyon na kailangan ­niyang mamili kung sino ang kanyang ilalaglag. ‘Wag magdamdam dahil may malaking rason ang ­lahat ng nagaganap. Lucky ­color: Black, lucky number: 18.

VIRGO (Agosto 23-Set­yembre 22) – Asahan mo na ang magandang araw sa negosyo. Masaya ka kaya maganda ang awra mo. Napakapositibo kaya naman mahahawa ang mga nasa paligid mo. Palaganapin ang good vibes. Lucky color: Violet, lucky number: 46.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi ka magkakamali sa pagpili ng mga tao para sa bago mong grupo. Sila ang mga miyembro na hinahanap mo. Mararamdaman ang peace kapag kasama mo sila. Lucky color: Peach, lucky number: 70.

SCORPIO (Oktubre 23- Nobyembre 21) – Tama ang iniisip mo na manahimik na muna at palampasin ang nangyayari sa paligid. May naki­ki­a­lam sa iyong buhay. ‘Wag haya­ang makapasok ito sa iyong bahay dahil baka may madamay bukod sa magandang sama­han. Lucky color: Blue, lucky number: 9.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hindi man ganoon kaganda ang araw mo sa trabaho, pag-uwi mo ng bahay ay mapapangiti ka naman ng mga taong naghihintay sa’yo. Sila ang iyong pamil­ya na laging tagasagip ng araw mo. Lumabas kayo at mamas­yal. Lucky color: Pink, lucky number: 22.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang babala ang matatanggap mo mula mismo sa matalik mong kaibigan. Hindi niya gusto ang sitwasyon na kinasasangkutan mo ngayon. Makinig ­dahil para ito sa iyong kabutihan. Lucky color: Yellow, lucky number: 36.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ayaw mo ng may mabigat na dinadala sa iyong konsensya kaya naman hindi mo kukunsintihin ang isang tao sa kanyang kalokohan kahit na malapit pa siya sa’yo. Doon ka lagi sa tama at sa ika­bubuti ng lahat. Lucky color: Green, lucky number: 45.