Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/27/2020

556

Will Devaughn
Kaarawan: Pebrero 27, 1981

Mabilis mag-isip ng solusyon. Kaya niyang dalhin ang sarili sa halos lahat ng sitwasyon dahil ma­lawak niyang pag-unawa sa maraming bagay. Mabilis siyang magtiwala sa bagong kaibigan na madalas na nagdadala sa kanya sa mga alanganing sitwsyon na kaya din niyang lusutan.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May mala­king balakid sa iyong daan sa araw na ito bagama’t bandang gabi ay unti-unti nang magliliwanag ang lahat ng kalituhan. Hindi masamang umatras muna at piliing manahimik. Magpatulong sa isang taong pinagtitiwalaan. Lucky color: Silver, lucky number: 8.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hindi ka dapat makulong sa isang sulok. Sa halip na magmukmok mag-isa, gamitin ang araw na ito para mag-celebrate. Maraming dapat ipagpasalamat kesa magreklamo sa buhay. Lucky co­lor: Orange, lucky number: 9.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mas malamang ngayon ang mga drama kaya ingatang magpatangay sa emosyon. Sa kabila nito, marami kang matutuhan sa mga taong nasa paligid mo. Gamitin ito sa iyong pagdedesisyon sa mahalagang bagay. Lucky color: White, lucky number: 45.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Huwag sisihin ang sarili sa mga bagay na hindi naman ikaw ang may responsibilidad. Bawat isa ay may sariling desisyon at wala kang pananagutan kung nagkaaberya sa desisyon ng iba gaano man sila kalapit sa puso mo. Tuloy ang masayang buhay. Luckycolor: Yellow, lucky number: 25.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Emosyunal na araw ito para sa iyo. Magrelaks at palipasin muna ang mga tensyon. Makakatulong ang pakikipag-usap sa mga kapamilya. Magpahangin sa labas ng bahay para kumalma. Lucky color: Maroon, lucky number: 26

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ilang sorpresa ang hatid ng mga taong hindi mo inaasahan. Isang miyembro ng pamilya ang magpapaalala ng isang mabigat na leksyon. Gamitin ito para malusutan ang nangyayaring mga isyu sa loob ng bahay. Lucky co­lor: Red, lucky number: 19.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Sa araw na ito, mas gusto mong ikaw ang masunod at hindi ka papayag na mangibabaw ang iba. Hindi masamang ipaglaban ang iyong karapatan. Ingatan lamang na makapagsalita nang hindi maganda lalo na sa kapamilya. Lucky color: Blue, lucky number: 4.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Paki­ramdam mo ay wala sa kontrol mo ang mga nangyayari kaya huwag nang pag-aksayahan pa ito ng pagod at pag-iisip. Dagdagan pa ang pasensya at paghihintay. May liwanag na hatid ang susunod na mga araw tungkol sa pera. Lucky color: Violet, lucky number: 30.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maraming aktibidad sa paligid mo at maaari itong pagmulan ng kalituhan. Gamitin ang karisma at marami kang malulusutan na problema. Lucky co­lor: Green, lucky number: 10.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Pabago-bago ang iyong mood dahil sa karamdaman. Piliting malagpasan ang problema sa kalusugan. Lalong lalalim ang pagmamahal mo sa isang espesyal na indibidwal. Gayunpaman, mararamdaman mo na hindi nagiging totoo ang ilang inaakalang kaibigan. Lucky color: Gray, lucky number: 22.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ingatan ang bawat buka ng bibig lalo na sa mga sitwasyong hindi ka sigurado. Maari kang mapasubo sa alanganing kalagayan kung hindi makokontrol ang sarili. Mas paborableng manahimik at mapagmasid na lang. Lucky color: Pink, lucky number: 8.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ga­wing organisado ang bawat ginagawa dahil mas marami kang makakaligtaan sa bawat pagmamadali. Siguraduhang solido ang bawat plano nang hindi magkaroon ng anumang aberya. Papalakpakan sa magandang trabaho. Lucky color: White, lucky number: 40.