Abante Tonite Interactive

Horoscope 02/29/2020

695

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Pabo­rableng araw ito para sa pagbibiyahe. Kung may masabing masakit ang iyong mga mahal sa buhay, palagpasin na lamang ito. Ipakita sa kanila na hindi nawawala ang iyong pagmamahal kahit nasasaktan ka paminsan-minsan. Lucky color: Vio­let, lucky number: 16.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mas lalakas ang iyong kala­gayang pinansyal. Samantalahin ang pagkakataong ito para maisulong ang mga matagal mo nang plano sa negosyo o anumang dagdag kita. Lucky co­lor: Brown, lucky number: 18.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang lahat ay nangyayari sa tamang panahon. At dumating na ang panahon o pagkakataong hinihintay mo kaya ‘wag munang magrelaks. Samantalahin ang buhos ng suwerte. Lucky co­lor: Red, lucky number:19.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ayaw mong aminin na kaila­ngan mo ng tulong pero sa pagkakataong ito, walang dapat maging lugar ang pride. Tanggapin ang alok ng iyong mga kaibigan o kapamil­ya. Lucky color: Yellow, luck number: 61.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ‘Wag mong ipilit ang iyong opinyon sa mga taong kasalungat mo ng paniniwala. Wala kang magiging panalo sa kanila sa halip ay pag-aaksaya lamang ng panahon at enerhiya ang gagawing pakikipagtalo. Lucky color: Gray, lucky number: 34.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung matindi ang iyong determinasyon na makuha ang isang bagay, kaya mo itong gawin. Kaila­ngan mo lamang isakripisyo pansa­mantala ang ilang nakagawian pati na ang atensyon na dapat ay para sa iyong mga mahal sa buhay. Lucky co­lor: Orange, lucky number: 30

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mabubuksan ang iyong mga mata sa mga posibilidad na dati’y hindi mo ikinukonsidera. Makikita mo ang hala­ga ng mga bagay-bagay kaya mas madali kang makakapagdesisyon. Pahalagahan ang natanggap na regalo. Lucky color: Maroon, lucky number: 9.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Nakakaramdam ka ng guilt sa isang nagawa mo. Pero tandaan na lahat ay puwedeng magkamali. Tandaan na lamang ang leksyon na iniwan nito sa buhay mo at mag-move on na. Lucky color: White, lucky number: 40.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ipakita mo sa iyong partner at sa mga mahal mo sa buhay na mahalaga sila para sa iyo. Maaaring nakakaligtaan mo nang ipakita kung gaano sila kaespes­yal para sa iyo. Oras na para makabawi sa mga pagkukulang sa pamilya. Lucky color: Red, lucky number: 27.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Sa mga nagdaang araw, todo effort ka sa pagtatrabaho at nakakaligtaan mo na ang iyong kalusu­gan. Bigyan din ng pahinga ang sarili hindi lang sa pisikal sa halip ay higit sa kaisipan. Mag-chill lang at uminom ng malamig ng tubig. Lucky color: Silver, lucky number: 40.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Napapabayaan mo na ang iyong crea­tive side. Gamitin ang araw na ito para ipakita sa lahat na meron kang nakakaligtaang talento. Mag-focus sa pro­ject. Lucky color: Gold, lucky number: 56.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas magiging emosyunal ka ngayon. Hindi masamang paminsan-minsan ay ipakita mo sa iyong mga mahal sa buhay na tao ka na nasasaktan at napupuno rin. Tao ka lang para umamin sa pagkamamali. Lucky color: Brown, lucky number:11.