Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/01/2019

222

Justin Bieber

Kaarawan: March 1, 1994

Maunawain sa kahit anong emosyon na may kinalaman sa pag-ibig. Hindi sila ang klase ng lala­king mahilig magpa-impress dahil malaki ang kanilang tiwala sa kanilang sarili. Ha­hawakan nila ang iyong kamay kapag naramdaman nila ang problema mo. Hindi ka iiwan lalo na sa oras ng kagipitan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung merong taong nahahalata mong umiiwas, mas mabu­ting kausapin ito nang harapan. Magiging maayos ang samahan kung may iisang paniniwala. Piliting makuha ang kanyang atensyon sa isang pagtitipon. Lucky color: Violet, lucky number: 18.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang magandang ideya ang mabibigyan ng tsansang magamit. Kung mababaling sa iba ang iyong pokus, ituloy lang ito. Ikaw pa rin ang magwawagi sa bandang huli. Lucky color: Maroon, lucky number: 49.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Manindigan sa gitna ng maraming kontra sa iyo. Hayaan lang muna ang mga nangyari. Mas makakaisip ng diskarte kung nakapahinga ang katawan at isipan. Kung sa nakaraang araw ay kailangan mong manahimik, marami kang mapapahanga. Lucky ­color: ­Orange, lucky number: 25.

Related Posts

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Huwag iasa sa ibang tao ang iyong responsibilidad. Piliting matupad ang mga binitiwang pangako. Panatilihin ang iyong privacy. Lucky color: Blue, lucky number: 30.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mas makikita ang bigger picture kung magpopokus ka sa de­talye. Mahalagang maituwid ang mali. Sumunod sa pamantayan para hindi mapagalitan. Lucky color: Gray, lucky number: 20.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May matutuklasan na isang sikreto. Makatutulong ang iyong nalalaman para mapagaang ang isang sitwasyon. Determinasyon ang magiging daan para malaman ang katotohanan. Lucky color: Pink, lucky number: 45.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May hatid na hamon ang araw na ito. Sa una ay masasaktan ka pero kalaunan ay maiintindihan mo na para ito sa iyong kabutihan. Asahan ang magandang pagbabago sa buhay pagtapos ng mga unos. Lucky color: White, lucky number: 6.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Huwag ikumpara ang sarili sa iba. May iba kang katangian na dapat ipagpasalamat. Huwag tignan ang kahinaan para hindi ma-depress. Kumausap ng isang tao para maihinga ang saloobin. Lucky color: Blue, lucky number: 27.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Sa araw na ito, mahalagang magawa mo ang isang importanteng trabaho. Sumabay sa hamon ng makabagong panahon. Kailangang matutunan ang mga bagong ideya kaysa sumuko agad. Lucky ­color: Gray, lucky number: 40.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Maaaring matagalan pa ang pagdating ng isang hinihintay.
Dagdagan pa ang tiyaga dahil magi­ging maganda ang resulta ng pagtitiis. Lucky ­color: ­Maroon, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Minsan kapag masyadong excited ay may nakakalimutang bagay. Mas mabuting isulat sa notebook ang mga naka-iskedyul sa araw na ito. ­Magiging happy sa buong araw dahil sa kilig na dulot ng bagong inspirasyon. Lucky color: Blue, lucky number: 11.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May ilang delay na kailangan mong pagtiisan. Walang choice kung tanggapin ito. Wala sa iyong control ang mga bagay-bagay. ‘Wag masyadong patangay sa bugso ng emosyon. Lucky color: Orange, lucky number: 5.