Abante Tonite Interactive

Horoscope 03/02/2019

123

Nadine Samonte
Kaarawan: Marso 2, 1988

Responsable at tutok sa mga tungkulin o trabahong iniatang sa kanya. Mahirap matibag ang pinaniniwalaang prinsipyo ng babaeng Pisces. Naka-focus sila sa kasalukuyan kaya naman mas mahalaga sa kanila ang mangyayari kinabukasan kaysa sa nakaraan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isa sa mga plano mo ang nakikitaan ng maraming butas. Pag-isipang mabuti ang susunod na hakbang. ­Gayunpaman, hindi ito dapat katakutan. Kaila­ngan mo lamang mag-adjust para makakilos ka nang ­malaya at maayos. Lucky color: Blue, lucky number: 22.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Iwasang magpanik nang wala sa lugar. ‘Wag palakihin ang maliit na problema. Alamin ang dapat gawin sa oras na malagay sa alanganin. Dito masu­subok ang iyong mabilis na pag-iisip. Lucky color: ­Maroon, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maba­basa mo kung ano ang iniisip ng taong kaharap mo. Wala kang mapipiga dahil hindi ito magsasa­lita. Irespeto ang kanyang desisyon. Iparamdam lamang na laging nasa kanya ang iyong suporta. Lucky color: Green, lucky number: 25.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ‘Wag nang ikagulat at ikasama ng loob ang sinasabi ng ka-partner. Dapat na talagang seryosohin ang pagbabago sa iyong sarili. Huwag hintaying tuluyang masira ang relasyon dahil sa katigasan ng ulo. Lucky color: Violet, lucky number: 19.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – ­Pa­nagutan ang sariling pagkakamali. ‘Wag maging sunud-sunuran sa ibang mungkahi. Ikaw ang mas higit na nakakaalam kung ano ang mabuti para sa iyong sarili. Lucky color: Blue, lucky number: 45.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi masamang mag-imbestiga upang matahimik ang kalooban. May mga bagay na hindi dapat pinapalagpas. Ikaw lang ang maaabala kung magkakaroon ng bulilyaso. Lucky color: Pink, lucky number: 12.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya mong maging perfect. May araw na sasablay ka at papalpak. Ang kaila­ngan lamang gawin ay itama agad ito. ‘Wag mapagod sa pagsisikap. Lucky color: ­Maroon, lucky number 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi na maibabalik ang takbo ng orasan. At kung kaya man, hindi mo na mababago ang isang nakatakdang mangyari. Mag-focus sa kung ano ang hawak sa mga kamay. Lumayo sa masamang bisyo habang maaga pa. Lucky color: Red, lucky number: 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May pagbabago sa relasyon. Sa simula lang ito mahirap pero kalaunan ay makakasanayan mo rin. May posibilidad na makapagtrabaho sa ­lugar na matagal nang pinapangarap. Lucky color: Yellow, lucky number: 5.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Malakas ang pressure sa anunang ginagawa mo. Kung hindi makapag­desisyon, mas mabuting magpalipas na lang muna. Mahirap ipilit ang bagay na malayo sa iyong puso. Lucky color: Gray, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Sa halip na magpokus sa mga problema, mas unahin ang gagawing solus­yon. Sa ­bawat pagkakamali ay may ­mahalagang aral na dapat matanim sa isip. Gamitin ito para sa mga diskarte sa future. Lucky color: ­Orange, lucky number: 49.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – ‘Wag basta patulan ang mga patutsada. Sinusubok lamang nito ang iyong temper. Sa halip na patuloy na kumontra sa direksyong tinatahak, pagtuunan ng pansin ang excitement na hatid ng bagong karanasan. Maging positibo para mas ma-enjoy mo ang nangyayari. Lucky color: Violet, lucky number: 49.